Chapter 17 Part 3

11.3K 196 4
                                    

Alex's POV

Matinding usapan muna ang nangyari bago pa kami nakaalis. Obviously, we only got 2 ways to get back to the villa. First is via wheels and the second, via horses. And since, ang owner jeep lang naman na dala namin ni Daine ang naroon, hindi kami pwedeng sumakay doon lahat.

Kahit nga ako nagtaka kung paano nakarating sila Tita Beth kaninang umaga dito without using a car. O baka hinatid lang sila kanina dito sa kubo.

Anyway, only 4 persons are capable to ride the owner at idagdag pa ang mga picnic baskets na ginamit for lunch. Tita Beth and Tito Frank decided to use the owner jeep with Chelsea.

Sasabay na sana ako kay Lewis. Naalala kong dala nya nga pala ang Pajero nya. Pero natempt naman ako ng narinig ko si Daine na gagamitin na lamang nya ang kabayo pauwi.

God knows how I missed riding in a horse. So in the end, si Ms. Sophie na lang ang kasabay ni Lewis sa sasakyan... Which is napansin ko ang tuwa ng mahal kong boss nang sumakay doon...

Hmmmn... Mukhang one of these days, magagamit ko ang skills ko sa match-making.. hehehe..

Hinintay muna namin na makalayo ang mga sasakyan saka namin hinarap naghihintay na kabayo.

"Hop in, cinderella...", wait... Isang kabayo lang ang sasakyan namin?

"Isang kabayo lang?", nagtatakang tanong ko.

"Yeah.. Ito lang na kabayo na nandito. Malayo pa ang kwadra dito. Baka abutin tayo ng dilim bago pa makarating ang uutasan natin..."

Ok.. So I left no choice. Dapat pala kay Lewis na lang ako sumabay. Hmp! Kasi naman, narinig ko lang na sasakay kami sa kabayo, na-trigger happy naman ako agad. Haay!

"So what now? May balak ka bang sumakay o iiwan na lang kita dito?", tiningnan ko ng masama si Daine. Kalalaking tao, napakasungit! Hmp!

"As if I have a choice. Hindi mo naman sinabi na isang kabayo lang pala ang gagamitin natin...", nakasimangot na sabi ko.

Pero sa halip na sumagot ay hinawakan nya ako sa bewang at walang sabi sabing inangat paupo sa ibabaw ng kabayo. Para lang syang nagbuhat ng kung ano. Saka sya sumakay at hinawakan ang renda ng kabayo...

"You speak too much. If I know, mas pinili mo naman talagang sumabay sakin... Cause you wanna be with me...", aba't talaga namang may kayabangan ang lalaking to!

Sasagot na sana ako ng bigla nyang pinatakbo ang kabayo. Kung hindi ako agad nakayakap sa bewang nya, malamang bali-bali na ang buto ko pag-uwi sa villa.

"You're such a jerk!", sabi ko at hinampas ko sya sa balikat nya nang medyo bumagal na ang takbo ng kabayo.

And how dare him laugh at me! Mukhang ni hindi man lang sya nasaktan sa hampas ko. Samantalang namula na ang palad ko sa ginawa kong iyon.

Me and Mr. Arrogant™ (To Be Published SOON.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon