AN:
Pasensya na. Super iksi lang nito.. Just a build up for the next chap.. Bawi ako next time.. Enjoy!
Alex's POV
Halos maiyak ako kinabukasan sa hapdi ng balat ko sa magkabilang balikat.. HUHUHU! May sunburn akoooo!!! Pumunta ako sa walk-in closet at humarap sa malaking salamin. Dun ko nakita kung gaano kalaki ang pinsalang inabot ko. Grabe, nakakaiyak talaga... Bumakat ang shape ng sleeveless tank top na suot ko kahapon sa balat ko. At yun na lang ngayon ay part na maputi... Yung ibang parte, namumula na at super hapdi. HUHUHU!
At dahil sa nangyari to, hindi na ako makakasama sa lunch date namin ni Lewis. Nakakainis! Napurnada pa ang lakad ko. Kaya tinawagan ko na lang sya at nagdahilan sa kanya na masama ang pakiramdam ko. Hindi ako pwedeng magpakita sa kanya ng ganito. Nakakahiya naman no?
"Are you okay? Do you want me to come over?", tanong nya pa nung tinawaga ko sya.
"Ahh.. No need na, Lewis. I'll be fine. May mga gamot naman dito e..."
"Alright. But dont hesitate to call me if you need help ok?", naalala kong doctor nga pala sya.
"I will.. Pasensya na talaga ha? Next time na lang..."
"Ok lang yun.. Basta mag-ingat ka lang...", napangiti na lang ako sa warmth ng boses nya...
After ng usapan namin ay bumaba na ako sa dining para sumabay sa breakfast. Nandun ang lahat maliban kay Daine. Maaga daw itong umalis sabi ni Tita Beth para asikasuhin ang taniman nila ng mangosteen. Mabuti na lang wala sya...
Nalaman din nila ang tungkol sa sunburn ko. Kaya super nagpumilit si Tita Beth na ipagamot kay Manang Lucing iyon. Retired nurse na kasi si Manang Lucing at doon na rin nakatira sa villa.. At ngayon nga ay nandito kami sa sala at ginagamot ang sunburn ko...
"Ouch!", panay lang ang daing ko habang dumadampi ang bulak sa balat ko...
"Konting tiis na lang, ineng. Matatapos na...", sabi nya habang panay ang pahid nya ng ointment nya sakin.
At di sinasadyang napalingon ako main door ng biglag bumukas iyon.. Pumasok si Daine in his cowboy aura. Nakabukas ang butones ng polo shirt nya at gulo gulo ang buhok nya.. My gulay! Why sooo gwapo?
Nagtama ang mata namin... Pero agad ko rin syang inirapan ng maalala ko ang ginawa nya kahapon. Hindi ko makukuha ang sunburn na to kundi dahil sa kanya.
"What happened?", at nagtanong pa sya? Hmp!
Maya-maya ay tumayo na rin si Manang at inayos na ang mga gamit at gamot.
"Tapos na, hija.. Wag ka na lang magbilad sa araw para hindi na madoble ang pagkasunog.."
"Salamat po, manang...", tumayo na din ako dumiretso na sa hagdanan. Hindi ko pinansin si Daine na nakanunot noong naghihintay sa sagot ko..
Wish naman nyang sagutin ko sya! Hmp!
***
I stayed for 2 hours inside my room.. Pero di ko madagdagan ang draft na sinusulat ko. So I decided to go out.. Bitbit ang laptop, lumabas ako ng kwarto at dumiresto sa garden... Dun ako pumwesto sa malilim na part.
Hindi ko makita ang ibang kasama sa bahay. Baka natutulog sila... Siesta time kasi. At sa laki ng bahay, hirap talagang magkakitaan dito...
Patuloy lang ako sa pagttype ng biglang may nagsalita mula sa likuran ko...
"Ang sabi ni Manang, wag kang magpapaaraw. I dont know if you're doing it on purpose para kaawaan ka ng tao o ano?", nagpanting ang tenga ko sa narinig. Inis na hinarap ko sya...
"Hindi ko rin maintindihan kung anong problema mo... Hindi mo ba nakikita? Hindi mainit sa pwesto ko.. Yun nga ang purpose ng puno diba?", nakakairita na talaga sya. Pumunta ba sya dito para lang mang-inis?
"What's with the sunburn, anyway?"
"Ay wala lang to. Naisipan ko lang na magbilad sa araw kahapon... First time ko kasing lumabas ng bahay...", i said in a very sarcastic way.
"Sinisisi mo ba ako?", out of the blue ay naitanong nya..
"May sinabi ba ako? At hindi ko naman din kasalanan kung masyado kang gentleman...", grrrr!!! Nakakainis syaaaa!!!
Kaya sinarado ko ang laptop ko at naglakad na.. Pero napatigil ako ng magsalita sya ulit.
"I just wanna warn you with that guy...", napakunot ang noo ko. "Stay away from him.. Masasaktan ka lang.."
Ewan ko kung anong problema nya.. Pero biglang nagbago ang mood nya.. Concern?
"Bakit di mo sabihi yan sa sarili mo?", lalong dumilim ang mukha nya...
Sinamantala ko yun para makalayo...
"Where do you think you're going?", sabi nya bago ako makalayo
"Sa lugar kung saan wala ka.. Naiistorbo mo ang pagttrabaho ko...", then i walked out..
Napangiti na lang ako habang naglalakad...
Oh well, 2 points for me!!!
SCOREBOARD:
Me - 2
Daine - 1
BINABASA MO ANG
Me and Mr. Arrogant™ (To Be Published SOON.)
RomanceA romance writer met an arrogant rich guy who doesnt believe in love. Alex-- a young woman who believe that fairy tale do exist. Nakakapagtaka ba? Simply because she's a romance writer. Passion nya ang pagsusulat. At lahat ng ginagawa nya patok sa t...