Rain
Ibinaba ko ang hawak kong laruan nang makarinig ako ng ugong ng sasakyan
Agad akong lumapit sa maliit na bintana at sumilip
Nanlaki ang mata ko sa pagka mangha nang makita ko na narito na sya pag katapos ng isang buwan!
Nakita kong lumabas ang nakangiting si Ate Jen at sinalubong sya ng mahigpit na yakap
Naroon din sila Inay at Itay na kapwa may ngiti sa mga labi nila
Natulala ako nang makita ko syang ngumiti ng labas ang pantay at mapuputing ngipin
Ang buhok nyang itim na bagsak na bagsak ay nililipay ng hangin
Pakiramdam ko ay tumitigil ang mundo ko sa twing ngumingiti sya
Nakita ko na inakay nila Inay at Itay sila Ate Jen pati na din sya papuntang loob
At doon sila nawala sa paningin ko, tinakpan ko ang maliit na bintana at umupo muli sa papag
Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid, mag isa lamang ako dito sa Attic. Ang kasama ko lang dito ay mga lumang gamit namin
Hindi alam nila Inay na nakakapunta pa ako dito, bukod sa mataas at mahirap akyatin ay ako lamang din ang kasya dito lumusot
Nakuha ang atensyon ko ng isang ipit sa buhok, Rosas na pula ang desenyo niyon
Ito ang ibinigay nya noong nakalipas na kaarawan ko
"Rain anak! Nasan ka? Nariyan ka na naman ba sa taas?! Bumaba kariyan at mag meryenda! Narito ang kuya Steven mo!"
Napalingon ako nang narinig kong sumigaw si Inay mula sa baba
Napabuntong hininga ako, "Opo Nay! saglit lamang po!"
Mabilis akong bumaba sa kahoy naming hagdan na kunting apak na lang ay tiyak bibigay na
Pag kababa ko ay naabutan ko sila na nasa balconahe at kumakain ng pizza na paniguradong dala nya
Napalunok ako at hinaplos ko ang hawak kong ipit at dahan dahan kong inayos ang buhok ko at inilagay ito
"Rain anak! Halika kumain ka dito." Ngiti ni Inay
Dahil don ay naagaw ko ang atensyon nila at lumingon sya saakin
Ngumiti sya sakin ng maaliwalas na syang nag patibok ng puso ko ng mabilis
Hindi ko alam ngunit naguguluhan ako sa sarili kong nararamdaman, kung bakit ko ba ito nararamdaman? Anong ibig sabihin nito?
"Hi Rain." Ngiti nya sakin at lumipat ang tingin nya sa ipit na nakakabit ngayon sa buhok ko
"The clip looks good on you, you're beautiful." Ngiti nya
Pakiramdam ko halos namula ang buong mukha ko nang sabihin nya iyon
"Asus! Nahiya pa si bunso namin ah? Haha tama yan, isuot mo baka pasalubungan ka ulit ng Kuya Steven mo sa susunod." Naka ngiti at tumaas taas na kilay na sabi ni Ate Jen
"Babe, don't tease her. Kahit naman hindi mo sabihin ay tiyak pag dating ko sa susunod ay may dala ulit ako para sainyo." Pilyong ngisi ni Kuya Steven at inakbayan si Ate Jen
"Asus! asus! Sige pangako mo yan ah? Kung bakit ba kasi liblib ang tirahan namin, dumadayo ka pa tuloy mula sa syudad hays." At biglang nalungkot si Ate
"Babe don't worry, pag nakatapos na ako kukunin kita. Kukunin ko kayo dito." Ngiti nya kay Ate
Agad akong tumalikod at naglakad papunta sa bandang dulo ng kubo na tirahan namin, dahil naroon ang munting silid ko
"Rain? Bakit di ka muna kakain? Saan ka pupunta bunso namin?" Turan ni Itay
Napatigil ako at dahan dahan lumingon pabalik
"A-ah sa silid ko po itay, m-may nakalimutan lang po ako saglit at kukunin ko lang." Ngiti kong hilaw
Tumango lang ito, at napa tingin naman ako Kila Ate Jen at Kuya Steven na naglalambingan
Hindi ko alam ngunit pakiramdam ko ay hindi ko matiis na matignan ko sila ng ganon
Pag kaupo ko sa kama ko at inalis ko ang ipit ko sa buhok ko at pinag masdan ito
Siyam na gulang na taon na ako habang siya ay labing siyam na taong gulang na.
Hindi ko alam, pero sa twing pumupunta sya dito ay naeexcite akong makita sya
Sa twing ngumingiti siya ay pakiramdam ko ay tumitigil ang ikot ng mundo ko
Sa twing ako ay napapansin nya ay awtomatikong bumibilis ang tibok ng puso ko sa bawat sinasabi nya tungkol saakin
Alam kong mali ngunit unti unti ko nang nadidiskubre ang ibig sabihin nito
May gusto ako sa kanya. May gusto ako sa boyfriend ng ate ko na sampong taon ang tanda saakin
#########
YOU ARE READING
Madly Obsessed with Her (SANTILLAN SECOND GEN. #2)
RomanceSteven Santillan Simon Santillan Sinai Santillan Cloud Sison