Chapter 4

16.2K 298 6
                                    


Rain

"Rain! Tara na!" Sigaw ni ate mula sa baba

Bakasyon ngayon kaya naman isinama ako ni ate sa kanila

Nung una ay tumanggi ako, sapagkat hindi ko kaya na makasama sila

Isa pa ay naiilang ako ng sobra sa twing nag kikita din kami ni kuya Steven

Ngunit ito, napilitan ako dahil wala daw ako kasama sa bahay

Ako lang ang maiiwan kung hindi ako sasama, sila Inay at Itay kasi ay uuwi sa kabilang probinsya kung nasaan ang iba pa nilang kamag anak

Tapos si Ate Jen naman ay sasama papuntang Maynila kasama ni Kuya Steven

Sa nalaman ko ay nalungkot parin ako kahit mali ang nararamdaman ko

Hindi ko parin maiwasan na mag selos dahil doon

Kaya naman halos sinabi ko na ang pwede kong ipalusot upang hindi lang ako mapasama, ngunit mapilit sila Inay na wala daw ako kasama dito at ayoko din naman sumama kila Inay

Wala akong nagawa kundi mapilitang sumama kila ate



"Ayan na!" Sigaw ko pabalik

Dala dala ko ang bag pack na nag lalaman ng mga personal na gamit ko

Dali dali akong tumakbo papalapit sa magarang kotse na alam na alam ko kung kanino

Agad hinawakan ang bukasan ng pinto at sumakay sa likod ng kotse

Pag sakay ko ay nakita ko doon ang mag kahawak na kamay na sina Ate Jen at Kuya Steven


Napalingon sila sakin parehas nang may ngiti sa labi, na halata mong inlove at masaya sa isa't isa

Napaiwas ako at nag kunyaring nag selpon na lang


"You ready girls? Put your seatbelts on, safety first." Ngiti nya



Napalingon ako sa kanila at kitang kita ko na maingat nyang ikinabit ang sinturong pang kaligtasan kay Ate Jen. Matapos ay hinalikan nya ito sa noo, kaya naman mapangiti si ate Jen





Inabala ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay maiiyak ako sa kinatatayuan ko

Gusto kong saktan ang sarili ko kung bakit ba sa dami dami ng tao ay sya? Sya pang boyfriend ng ate ko!




"Rain what are you doing? Do you need help?" Napalingon ako nang nalipat sakin ang atensyon nito

"Babe, haha hindi ata marunong si bunso." Ngiting turan ni ate

"Alright, wait up." Natatawang turan nya nang mapagtanto na hindi nga ako maalam



Napalunok ako nang bumaba pa ito sa kotse at umikot papunta sa likod kung nasaan ako

Nahigit ko ang hininga ko nang maamoy ko ang mabangong amoy nya, nang buksan nya ang pinto ng kotse sa gilid ko

Bumilis ang tibok ng puso ko nang tumungo sya papalapit saakin,

"Watch and learn, this is how it works." Ngiti nya

Ibig kong mapapikit dahil sa sobrang lapit nya ay tumatama saakin ang mabango nyang hininga

Pakiramdam ko mapupupusan ako nang hininga sa sobrang lapit ng mukha nya saakin!

Napaka gwapo nya talaga!

Isa sa dahilan kung bakit lubos akong hulog na hulog sa kanya

Bukod sa gwapo na, mabait pa.
Wala na, ang hirap na makaahon. Lunod na lunod na ako

Madly Obsessed with Her (SANTILLAN SECOND GEN. #2)Where stories live. Discover now