3 years laterMabilis lumipas ang panahon at dumating ang araw ng birthday ko.
18 years old na ako sa araw na ito, sa lumipas na taon maraming nag bago
Mas napapadalas ang natatanggap kong regalo galing sa nag ngangalang "S"
Mas lalong dumami ang naiinis sakin dahil hanggang ngayon hindi parin ako tinitigilan ng bwisit na Cloud na'yon, at hanggang ngayon sira ang buong araw ko sa twing masisilalayan ko ang kanyang mukha
Pero isa lang ang napansin ko sa lahat, mas papalapit ang birthday ko mas lalong naging magulo
Ang taong inaasahan ko na dadalo ay halos hindi na pumunta saamin
Kung dati-rati palagi syang nandito, ngayon halos anino nya ay di ko makita
Anong nang yari sa kanila ni Ate Jen?
Aaminin ko sa nag daang taon hindi nawala ang nararamdaman ko sa kanya, bagkus habang nag kakaisip ako ay mas lalo kong narerealize na malalim na ang nararamdaman ko sa kanya
Pero ngayon, sobrang lungkot ko dahil bihira na lamang sya pumunta dito, si ate halos araw araw umiiyak at nag mumukmok sa kwarto
"A-Ah Rain. Happy birthday.." napalingon ako sa studyanteng nag salita sa likuran ko
Nakita ko na namumula ang mukha nito, taga kabilang section sya
"Ah salamat...?" Ngiti kong turan
"Daniel, freshman din tulad mo." Ngiti nya at bahagyang napakamot pa sa batok
"Sige, salamat Daniel sa pag bati." Ngiti kong turan at nagulat ako nang may ibigay syang paper bag
"Ah gift ko, don't worry food lang laman nyan." Ngiti nya
Ngumiti lang din ako at tinanggap ito
Kasalukuyan kasing nasa skwelahan ako, First year college ako at ang kinuha kong kurso ay educ.
Nag karoon din ako ng mga bagong kaibigan, at kahit nakaka bwisit si Cloud ay di iyon naging hadlang upang hindi ako kausapin ng iba
Hindi katulad dati nung High school kami, halos layuan ako ng lahat na para bang may malala akong sakit
Ngayon, dahil mag kaiba kami ng tinatahak na daan. Ako ay kumuha ng kurso para sa pag guguro, habang yung mayabang na yon ay Political Science. Nasa iisang school parin kami ngunit mag kaiba at mag kalayo ang building namin
Marahil ay sya ang mag mamana ng posisyon ng ama nya balang araw sa pagiging mayor
Napa ngiwi ako, di ko maimagine na mag seseryoso iyon. Hindi bagay
Teka? Bat ko ba iniisip yung hudas na yon?!
Dumating ang kinahapunan at nag ayos na ako sa pag uwi
Birthday ko ngayon pero dahil kapos sa pera, hindi na kami mag hahanda.
Ayos lang naman at Walang problema, mas masaya pa dahil alam kong hindi na magagastusan pa sila Nanay at Tatay
Pauwi na ako nang may tumigil sa gilid ko na kotse
Napairap ako ng makilala ko iyon
Bumaba doon at mayabang na si Cloud at naka ngising lumapit saakin
"OMG?! totoo nga na ang boyfriend nya ay si Cloud Sison!"
"Shitt ang swerte nya, sobrang gwapo at yaman ni Cloud!"
"Hindi nuh?! Mali kayo, baka sya yung binubully dati ni Cloud. I remember kalapit room namin sila, tawag nga sa kanya e baboy ni Cloud e!"
"Kung ganon hindi nya boyfriend si Cloud, ano kung ganon?"
YOU ARE READING
Madly Obsessed with Her (SANTILLAN SECOND GEN. #2)
RomanceSteven Santillan Simon Santillan Sinai Santillan Cloud Sison