Chapter 35

14.5K 298 56
                                    

Third Person's POV

"Sir, here's the file."

Itinapon ni Steven ang yosi at kinuha ang inabot na dokumento na ibinigay ng tauhan nya

Nang mahimatay ang babaeng kinababaliwan nila ay halos nahimasmasan sila at sa unang pag kakataon ay nakaramdam sila ng kaba sa dibdib nila

Bakit ito nahimatay? Mahalaga ba ang lalaking kasama nito kaya ganito na lamang ang apekto nito sa babaeng kinababaliwan nila?

Sa isiping iyon ay ibig nilang mag wala sa galit, ngayon lang. Ngayon lang sila may naging kaagaw na halos kaparehas nila ng lebel

Matapang ito at hindi manlang nag pakita ng takot sa kanila

Umigting ang panga ni Steven dahil sa naalala, hindi dapat sila nababahala ngunit ang ikinababahala nila ay may nararamdaman na rin dito ang babaeng kinababaliwan nila

Lalo na nang makita nilang umiyak ito nang bugbugin nilang mag kakapatid ang lalaking ito

Kumuyom ang kamao ni Steven sa sobrang inis, alam nila. Alam na nila na matagal nang may unaaligid sa babaeng gusto nila

Ngunit ipinag pasawalang bahala na lamang nila ito dahil sa tingin nila bata ito.

Ngunit tangina, nag sisisi sila kung bakit hindi pa nila ito agad binura sa mundo dahil ngayon ay tila malaki ang problema nila.

Hindi sila tanga upang hindi mahalata na may nararamdaman din ang babaeng gusto nila sa lalaking iyon

Galit nyang itinapon ang basong babasagin kaya nabasag iyon, ngayon lang

Ngayon lang, ngayon lang may pumantay sa tapang nila at hindi nila matanggap iyon.
Hindi sila papayag, kilala ang lahi nila bilang mapang angkin. Ang sa Santillan ay para lamang sa Santillan.

Mula sa pinto ay pumasok doon si Simon at Sinai

"How is she?" Malamig na turan ni Steven

"Fine, still sleeping." Turan naman ni Simon

"Where is he?" Tanong ni Steven kay Sinai

Awtomatikong napikon ang mukha ni Sinai,

"In the basement, he's different. He's not just an ordinary bastard." Gigil na turan ni Sinai at ang tinutukoy nito ay kung paano ipag laban nito sa kanila ang pag mamahal din nito sa babaeng gusto nila

"I know. He reminds me of someone."

"He's different that made me fucking want to kill him!" Galit na turan ni Sinai

"You can't do that Sinai, I know that you know, Rain likes him too." Walang emosyon na turan ni Steven

Mas lalong napikon ang mukha ni Sinai na para bang hindi matanggap

"What's the plan?" Seryosong turan ni Simon

Hindi umimik si Steven bagkus ay binuksan ang dalang file ng tauhan nya na inutos nya

Kumunot ang noo nya nang mabasa ang naka sulat sa dokumento

Adopted?

Cloud Sison was illegally adopted by Christopher Sison and Margareth Sison when he was 4 years old.

His biological father is Thunder Santillan







Umigting ang panga nya at kahit di pa malinaw ang lahat ay nakukuha na nya ang mga nangyayari

Kahit ang dalawa pa nyang kapatid ay natahimik nang mabasa ang nakasulat

Wala syang sinayang na oras at tinawagan ang ama na si Kiru

Madly Obsessed with Her (SANTILLAN SECOND GEN. #2)Where stories live. Discover now