RainIto ang pangalawang araw namin dito, halos hindi ako ako nakatulog buong mag damag kagabi
Ramdam na ramdam ko pa'rin kung gaano kalambot ang mga labi nya na dumikit sa labi ko
Daplis lang iyon ngunit hindi ako pinatulog ng halik na iyon
Rain kalimutan mo na iyon! Lasing lang sya at di nya alam ang ginagawa nya!
Siguro ay napag kamalan nya akong ai Ate Jen
Bumuntong hininga ako at inilibot ang tingin sa buong silid
Nakita ko sa orasan na 4pm na, hindi talaga ako nakatulog ng maayos kaya tinanghali na akoWala na si ate Jen dito, siguro ay bumaba na.
Muli akong napa sandal sa higaan, paano ako lalabas? Paano ko sya haharapin?Hindi naman siguro nya tanda..
Napag pasyahan kong mag ayos na at bumaba, kailangan kong kumain dahil kagabi pa ako halos walang kain dahil sa mga nangyayari
Pag karating ko sa baba ay madaming tao ang nakatambay, merong mga nasa restaurant pero mas marami ang tambay sa tabi ng dagat kahit pa tirik ang araw
Nakita ko doon si ate Jen at ang ibang kasama kagabi
Nakita ko na naroon si Kuya Simon katabi ng isang babaeng maganda
Tumatawa ito habang humahaplos ang mga palad sa dibdib ni Kuya SimonIniwas ko ang tingin ko doon at napatingin sa lalaking nag lalakad papunta sa gawi ni ate Jen
Bumilis ang tibok ng puso ko ng masilayan ko na naman ang gwapo nyang mukha
Napapikit ako nang maalala ko ang nangyari kagabi, na hindi saakin nag patulog buong mag damag
Ano ba'yan! Pilit kong kinakalimutan ngunit sa twing nakikita ko sya ay mabilis kong naaalala!
"Oh Rain! Mabuti naman gising ka na! Halika rito kumain ka." Ngiting tawag sakin ni ate Jen
Napalunok ako at nag iwas ako ng tingin, nang maramdaman ko na napatingin saakin ang dalawang mag kapatid na si Kuya Simon at Kuya Steven
Naglakad ako kahit pa gusto kong tumakbo palayo.
Nang makarating ako ay umupo ako sa tabi ni ate, at sa kabila ay katabi naman nya si Kuya Steven
Mabilis akong kumuha ng pinggan upang doon na lang ituon ang atensyon ko sapagkat naiilang ako
Patuloy sila sa pag kwekwentuhan at ako naman ay tahimik lang na kumakain
Napatigil ang lahat at nanahimik nang biglang may dalawang kamay ang nag sandok ng ulam sa pinggan ko
Napatingin ako doon at nakita ko na sinandukan ako ni Kuya Simon ng adobo habang si kuya Steven naman ay Jollibee Chicken
Napalunok ako nang hindi ko alam ang gagawin ko
"Chicken is her favorite." Komento ni Kuya Steven habang walang emosyon itong nag patuloy sa kinakain nya
"But adobo is more delicious." Komento din ni Kuya Simon habang seryosong nakatingin kay Kuya Simon
"A-Ah! Ano ba kayo haha, paborito ni Rain parehas yan. Kaya nga niloloko itong baboy sa school nila e, dahil chubby. Hindi maarte sa pagkain." Ngiti ni ate
Napapikit ako dahil sinabi nya pa iyon! Hanggang dito ba naman ay baboy parin ako?!
Nakarinig ako ng mahinang halakhak, napalingon ako at napatingin kay Kuya Simon.
Bakit parang kakaiba ang tawa nyang iyon? Parang nang aakit
YOU ARE READING
Madly Obsessed with Her (SANTILLAN SECOND GEN. #2)
RomanceSteven Santillan Simon Santillan Sinai Santillan Cloud Sison