Matapos nang nangyari ay ibinalik nya ako sa room namin habang may malaking ngisi ang nakapaskil sa mapula nyang labi
Ang gwapo nyang mukha ay tila tuwang tuwa na para bang nanalo sa lotto, habang akoy halos lumubog na sa kahihiyan
Pag dating namin sa classroom ay tiningnan pa nya ng matalim si Storm bago umalis ng room
"How many years have you been in a relationship?"
Napalingon ako sa biglang nag salitang kalapit ko
Nakuha ko kaagad ang ibig nyang sabihin, ang tungkol saamin ni Cloud
Umiling ako at umiwas ng tingin, "H-Hindi ko sya boyfriend." Pinal kong turan
Tumaas ang kilay nya at walang emosyon saaking tumingin
"Good." Turan nya kaya naman nalito ako sa kanyang sinabi
Maya maya pa ay may lumapit saaming kababaihan
"I heard hindi mo boyfriend si Cloud Sison Am I right?" Turan ng kaklase kong pulang pula ang kulay ng lipstick
Napatingin ako sa kanila at tumango
"Oh! That's great! Kala ko pa naman," at umikot ang mata nito sakin.
"Anyways, kung di mo boyfriend si Cloud, baka pwedeng humingi ng tips sayo kung ano bang mga tipo nya sa babae? I mean, since you two are close, can you do us a favor?" Matamis na ngiti ng isa pang kasama nya
Napalunok ako at nag isip, tama ito ang gagawin kong daan para maibaling ni Cloud ang nararamdaman nya para saakin, sa ibang babae
Buo na ang desisyon ko, aminado akong gusto ko na silang apat. Ang tatlong magkakapatid na Santillan at si Cloud, ngunit habang hindi pa ako tuluyang nababaliw ay pipigilan ko ito mangyari
Napag pasyahan kong wala akong pipiliin kahit kanino sa kanila, siguro nga hindi talaga kaming lahat para sa isa't isa dahil unang una mali ito. Maling mali mag mahal ng higit pa sa isang tao.
"Sige," tipid kong turan
"Great! Why don't we celebrate first? You're our friend from now on, sumama ka saamin mamayang gabi. Girl's night." Excited na turan ng isang pa nilang kasama
Napalunok ako dahil gabi, kahit kailan ay di ko pa nasusubukan lumabas ng gabi nang mapunta ako dito sa Maynila
"S-Sige." Pag sang ayon ko
Ngumiti lang ang mga ito at nakita kong nag usap ang mga mata nila
.
.
.
.
.
.Dumating ang alasais at hindi ako mapakali, hindi na ako umuwi at umalis agad upang Hindi ako masundo ng apat
Dahil alam ko naman na hindi sila papayag, kung papayag man ay kasama sila tiyak
Kasama ko ang lima kong kaklaseng babae, at kasalukuyan narito kami sa condo ng isa sa kaibigan nila dahil kinakailangan nilang mag bihis
Nakita kong nag bihis sila isa isa at ang ayos nila ay tila mga damit na nag kulang sa tela
Halos umasim ang mukha ko dahil sa nasaksihan
"Saan ba tayo pupunta?" Turan ko
"Sa Bar sis! Sasabihin mo samin ang mga tipo ni Cloud sa isang babae at mag boboys hunting din tayo for you!!" Excited na turan ng isa
Napalunok ako, kahit ayoko ay tila iyon ang aking tanging pag asa upang hindi na magustuhan ng apat
Tumango ako at akmang palabas na ng pinto nang tawagin ako ng isa
YOU ARE READING
Madly Obsessed with Her (SANTILLAN SECOND GEN. #2)
RomanceSteven Santillan Simon Santillan Sinai Santillan Cloud Sison