Chapter 18

14.6K 270 15
                                    

Kasalukuyan akong nasa skwelahan ngayon, break time kaya naman nasa cafeteria kami ni Ivan

Si Ivan ang naging kaibigan ko, mabait naman sya at madalas ay natutulungan nya din ako sa mga bagay bagay na hindi ko alam. Lalo na kung tungkol ito dito sa school namin

"Ah Rain pwede ba mag tanong?" Turan nya

Napatingin ako sa kanya at sunod sunod na tumango, "Oo naman! Ano ba'yon?"

"Ah, boyfriend mo ba yung kahapon?"

Napatigil ako sa pag kain nang marinig ang tanong nya

"H-Hindi, kaklase ko lang sa probinsya n-namin." Hilaw kong ngiti

"Ah ganon ba. Para kasing mananapak na kahapon e, kala ko nga nag seselos saakin." Natatawa nyang turan

Napa ngiwi na lang ako sa sinabi nya at nag kunwari na kumakain




"Gurl, may chismis ako mainit init pa!!" Napalingon kami dahil sa nag uusap na mga babae sa kalapit naming table

"Kalakasan ko yan! Come on spill the tea!" Excited na turan ng isa

Ngumiti ito ng para bang nakakita ng anghel

"May bagong student! Kalapit lang ng Building natin! Grabe sobrang pogi! I think gusto ko na agad sya!!" At tumili ito na para bang kinikilig

"OMG are you serious?! Do you have his pic? What does he looks?" Tila nag ningning ang mata ng kausap nito

"Oh wait!" Kumunot ang noo ko nang mag kutingting ito sa cellphone at may ipinakita sa kausap

"OMG!! He's freaking handsome!" Nanlaki naman ang mga mata at tila hindi makapaniwala sa nakikita

"Sinabi mo pa! Kaya lang balita ko, he's arrogant!"

"OMG! I love him even more! A rough man, or let's just say. A walking red flag?" Tila nang ningning lalo na saad ng mga babae

"Gosh! I'm willing to be a flagpole!!" Kinikilig na sambit nila

Sino kaya iyon? May kutob na ako kung sino pero wag naman sana


Sana bumalik na lang sya sa probinsya namin





"Hoy Rain!" Turan ni Ivan

"H-Hah?" Gulat akong napatingin kay Ivan nang kuhitin ako nito

"Ang sabi ko mamaya pag uwi natin, punta ka sa birthday ng sister ko. Papakilala na din kita." Sabi nya

"A-Ah, sige." Turan ko





Maya maya pa ay nag bell na hudyat na kailangan na naming bumalik sa kanya kanyang room

Nag sitayuan ang mga studyante at gayon din kami

Sabay kaming nag lakad ni Ivan papunta sa building namin

Nag lakad kami parehas paakyat sa hagdan at napatigil ako ng dahil sa nakita ko

Kasalubong ko si Cloud!!

Sya pababa habang kami ay paakyat.
Saglit din syang napatigil at malamig na tumingin saakin, matapos ay Kay Ivan

Tumalim ang tingin nya kay Ivan at umigting ang panga

Ngunit nagulat ako nang masungit nya akong inirapan at walang ekspresyon na dinaanan ako na parang di nya ako kilala

Anong nangyari doon?
Seryoso ba talaga sya sa sinabi nya kahapon?

Nakalagpas na sya nang di manlang ako kinulit, at dinaanan lang na animoy walang paki saakin. Malayo sa dating sya dahil oras oras yata ay kinukulit nya ako palagi dati

Madly Obsessed with Her (SANTILLAN SECOND GEN. #2)Where stories live. Discover now