Bumukas dahan dahan ang aking mga mata, puting kisame ang una kong nabungaran ng paningin.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto at napagtanto ko na hindi ito ang bahay na tinutuluyan ko kasama ang mga Santillan na mag kakapatid
Nang maalala ko ang apelyidong iyon ay awtomatikong naramdaman ko ang sakit ng buong katawan ko
Para akong binugbog ng isang daang beses dahil sa sobrang sakit ng buong katawan ko
Unti unting nag proseso saakin ang lahat, may hinala na ako kung nasaan ako ngayon
Napawi ang aking pag iisip nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa 'non ang dalawang nurse
"Gising na pala ang pasyente, pakisabi." Narinig kong turan ng isa
Tumango ito at umalis, lumapit naman saakin ang naiwan at tiningnan ang lagay ko
"Sa ngayon ay ayos ka na naman, napagod lang ng husto ang buong katawan mo kaya ka nahimatay."
Nanlaki ang mata ko nang marinig ang sinabi nya!
"P-Po? Nahimatay po a-ako?" Napalunok ako at gulat na itinanong iyon
tumingin ito saakin, "Oo nene! Sinugod ka pa dito ng tatlong mag kakapatid na Santillan at ng isang gwapong lalaki pa. Nako kung nakita mo lang kung gaano kaputla ng mga mukha nilang apat." Iling nito at nag lagay ng tubig at gamot
Dahil sa sinabi nya ay napayuko ako at naramdaman ko na biglang uminit ang buong mukha ko dahil sa sinabi nya
May naalala ako...
Umiling iling ako habang nakapikit dahil sa naalala ko at pilit ko itong kinalimutan
"G-Ganon po ba, ilang oras po ba ako natulog?" Pag iiba ko ng topic
Napalingon ito sakin, "Aba Nene, mahigit dalawang araw ka walang malay. Nag tataka nga ang mga doctor kung bakit ganon, eh hindi ka naman napaano masyado kundi napagod lang naman ang buong katawan mo." Iling nya
Muling nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya
Ano?! 2 days?!
"PO?!" gulat kong turan
"Oo nene, masyado ka sigurong masipag mag aral. Hinay hinay baka jan ka naman mamaalam agad." Seryoso nyang turan
Napalunok ako at nag iwas ng tingin, Opo tama kayo. Dito talaga ako mamamatay agad, biruin mo apat na lalaki ang gumawa sakin ng bagay na 'yon.
Muling nag init ang mukha ko dahil sa sinabi nya
"O-Opo,... Ahm, p-pwede po ba lumabas upang mag pa hangin?" Pag iiba ko ng usapan
Tumayo ito at inabot sakin ang gamot at tubig, "Oh sya, mag paaraw ka para bumalik ang lakas mo. Inumin mo ito tapos ay malaya kang lumabas." Turan nito at lumabas na din
Sinunod ko ang sinabi nya at agad tumayo
Pinakiramdam ko ang tuhod ko at sa tingin ko ay ayos na naman ito, ngunit ang pang ibaba ko ay alam kong masakit pa rin hanggang ngayon
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nag proproseso sa utak ko na mahigit dalawang araw ako nakatulog dahil lamang sa ginawa namin!
Jusko?! Anong sumanib saakin upang mapapayag ko ang sarili ko nang ganon kadali? Bakit tila ang rupok rupok ko pag dating sa kanila?!
Lumabas ako at pumunta sa bandang garden ng hospital, may mga ibang pasyente doon na namamasyal din kasama ang pamilya nila ang iba naman ay ang satingin ko'y mga private nurse nila
YOU ARE READING
Madly Obsessed with Her (SANTILLAN SECOND GEN. #2)
RomanceSteven Santillan Simon Santillan Sinai Santillan Cloud Sison