Nakita kong umilaw at tumunog ang cellphone na ibinigay ni Cloud, hudyat na tumatawag sya
Napa lingon ako dito at nakita ko doon ang gwapo nyang mukha
Napa buntong hininga ako nang maalala ko na naman ang sinabi ko sa kanya
Mahigpit kong nakuyom ang kamao ko at pumikit ng mariin
Gustong gusto ko bawiin ang mga pinag sasabi ko sa kanya ngunit may pumipigil saakin, ang tatlo
Binalaan na nila ako, at kahit di ko sabihin ramdam ko na hindi sila nag bibiro at hindi sila basta basta
Napalingon ako sa labas ng coffee shop, dito ako dumaretso at hindi umuwi sa bahay ng tatlo kahit na alam kong cancelled ang pasok
Napalingon ako nang may pumasok na magandang babae, base sa kutis nito ay may lahi itong banyaga.
Maganda ang kulay ng balat nya at ang maliit ngunit matangos nyang ilong ay bumagay sa kanya
Nakita kong humawak ito sa baba nya at tila nag isip, ang mga mata nyang napaka inosente ay naka tingin sa menu
"Hey miss, taga saang lupalop ka ba ng pilipinas? Bakit napaka manang ng suot mo."
Nakita kong may lumapit ditong tatlong babae at pinag tawanan sya
Ang haba kasi ng palda nya, ngunit kahit ganon ang suot nya ay alam kong napaka ganda nyang babae
Inosente itong napa tingin sa suot nya at napa tingin sa kung anong suot ng babae
Ang mga babae kasi na lumapit sa kanya ay halatang liberated, halos maikli ang suot na palda at halos makitaan na ng dibdib dahil sa nipis ng mga suot nito
"Maine, wag mo na kausapin. Mukhang taga bundok sya." At nag tawanan ang mga ito
"Hah? Hindi po ako taga bundok taga dagat po ako, pero ngayon dito na po ako sa Maynila kung saan maraming matataas na gusali!" Tila proud nya iyong sinabi
Nag hagikhikan ang mga babae dahil sa sinabi nya
"See? Taga bundok nya, kaya pala ang pangit ng suot." Malditang turan ng isa
Napa tingin naman ng inosente ang babae sa suot nyang palda,
"Bakit sabi ng boypren ko maganda naman?" Narinig kong bulong nya, tapos ay humarap sa babae
"Hindi po pangit ang palda ko, hindi po kasi ako mag bobold star kagaya nyo." Magalang na turan nito at lumingon na ulit sa menu para mamili
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya, ibig kong matawa dahil sa reaksyon ng mga babae na tila napikon sa sinabi nya
Ngunit base sa nakikita ko, bukal sa loob nya ang sinabi nya sa mga ito
"Bitch!" Nanlaki ang mata ko nang hawakan sya nito sa braso at akmang sasampalin ngunit di na nya natuloy
"Fucking lay your hands on her and you're dead."
Napa bitaw sila at lahat ng naroon ay napa tingin sa bagong pasok na lalaki
Sobrang gwapo nito at nakakatakot kung tumingin!
Hindi ito makikitaan ng kahit anong emosyon at mabilis na lumapit sa babae na namilili sa menu"Oh Rhys! Ang hina nyo naman, ngayon nyo lang ako nakita?" Hagikhik nito
"Baby you're dead, tumakas ka na naman." Umigting ang panga nito at nakita kong lumipat ang kamay nito sa bewang ng babae na inosenteng namimili sa menu at nakiki pag usap sa kanya
YOU ARE READING
Madly Obsessed with Her (SANTILLAN SECOND GEN. #2)
RomanceSteven Santillan Simon Santillan Sinai Santillan Cloud Sison