Chapter 16

15.1K 324 8
                                    

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa bago kong papasukan na University

Basta narinig ko Alcantara ang may ari ng school na ito, ang pamilya ni Steven at ang may Ari ay mag kaibigan.

Dito nya ako enenroll dahil nga kakilala nila ang may ari.



Natapos na ang unang subject pero lutang parin ako

Hindi ko makalimutan ang nangyari kanina

Totoo ba? Totoo ba na gusto nya talaga ako?

May parte sa puso ko na masaya ako, ngunit pag naiisip ko si Ate ay hindi ko magawang mag diwang


Pakiramdam ko ay sinasaktan ko si ate, hindi ko alam ang tunay na nangyari sa kanila.
Ngunit sinabi ni Steven na hindi nya minahal si ate Kahit kailan

Anong ibig nya sabihin? Bakit ganon? Pero alam ko si ate, mahal talaga sya ni ate Jen



Ibig kong iunpog ang sarili ko sa pader dahil sumasakit ang ulo ko sa mga isipin

Pinag sawalang bahala ko iyon at nag focus na lang sa klase




"Hii, May nakaupo ba Miss?"

Napa tingala ako nang may mag salita

Nakita ko ang lalaking matangkad at maputi, naka salamin ito. Masasabi kong sobra din nitong gwapo

Nakita ko na bigla itong nag iwas ng tingin at namula,

"H-Hey." Tikhim nya

"A-Ah oo! W-Walang nakaupo." Ngiting hilaw ko

Ano ba yan, mukha siguro akong baliw kanina nakakahiya!!!

Naramdaman ko na umupo sya sa katabi ko

"Ah, bago ka lang ba dito Miss?"

Napatingin ako nang marinig ko syang nag salita

"O-Oo eh, Ako nga pala si Rain. Taga probinsya talaga ako, may nag s-scholar lang saakin kaya ako naka rating dito." Ngiti ko

Ngumiti lang din sya, "I see, my name's Ivan. Nice to meet you Rain." Ngiti nya at lumabas ang pantay pantay nyang ngipin

Ang cute nya sa lagay na iyon, mukha syang kpop idol


Nag daan ang oras at hindi ako nainip dahil sa sobrang kulit ni Ivan

Marami din akong natutunan sa kanya dahil sobrang talino nya din



Dumating ang uwian at sabay kaming nag lakad palabas ng gate

"Rain, If di ka busy pwede kita i-tour dito sa school natin." Ngiti nya

Napa ngiti ako, "Talaga ba ayos lang? Sige ba!" Ngiti ko din mabalik sa kanya






Naagaw ang atensyon namin nang mag kagulo ang mga kababaehan sa may labas ng gate

Kumunot ang noo ko at nag lakad kaming dalawa ni Ivan upang makita kung anong meron


Literal na nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino ang naroon!

Si Cloud!

Nakakunot ang noo nito at halata sa mukha na badtrip na badtrip na sya kanina pa!



"Gurl, ngayon ko lang sya nakita. Grabe sobrang gwapo nya!"

"Saang department sya? Engineering ba? Bat di ko sya nakikita!"

"Ask him kung may girlfriend sya!!"

Narinig kong komento sa kanya ng mga kababaehan




Madly Obsessed with Her (SANTILLAN SECOND GEN. #2)Where stories live. Discover now