Cia + Nathan = Forever

3.9K 53 15
                                    

goodmorning XD Time check '10:05'


Bago kayo magscrolldown sana basahin niyo muna itong Author's Note ko kasi importante ito para hindi kayo maguluhan.. First of all, Eche-change ko yung cast na gumaganap na NATHANIEL, Imbes si Cameron Dallas gagawin kong si Enzo Carini.. Yun lang, thank you..


Si Nathaniel sa Itaas :)) bumalik kayo sa chapter 3 para makita niyo siya ulit


Enjoy READING xoxo


***


xx12.. Cia + Nathan = Forever


Acacia's POV


"Rise and shine beautiful"


Napadilat ako kaagad at nakita ko naman si Nathaniel na nakangiti habang nakaupo sa gilid ng kama ko. Paanong nakapasok tong lalaking to sa unit ko? Ohhh.. Natandaan ko na, binigay ko pala yung spare key ng unit ko sakanya bago nangyare yung awayan namin


"Lumabas ka muna Nathaniel, pwede? Wala akong bra"


"Eh di mas mabuti. Magbahay bahayan tayo"


At dun nako natawa. Grabe siya, teka naguguluhan na siguro kayo kung bakit kami naging close ulit nuh?


Ito ang nangyare


~FLASHBACK~


"I hate you.... But I love you. Nakakainis ka!"


Mahina kong sabi na nakayuko pero bago ako nakapagtaas ng ulo bigla kong naramdaman na yakap yakap na niya pala ako. Ito naman talaga ang gusto ko diba? Ok lang sakin kung paglalaruan niya ako ulit, ganyan naman siguro kung magmahal ka diba? You must take the risk. kung masasaktan ka, dapat tatanggapin mo. pag niloko ka at ginago ka, tanggapin mo. Kapag pinagpalit kana sa iba, tanggapin mo parin kasi pag ikaw magmahal dapat tatanggapin mo kung anu man ang mangyayare.


Yung iba diyan pag nalaman nilang niloko at pinaglaruan sila, binabago nila ang sarili nila kasi hindi nila natatanggap. kung mahal mo talaga ang isang tao, dapat kaya mo siyang pakawalan kung gugustuhin niya, kaya mong magparaya dahil mahal niya yung taong yun, kaya mong tanggapin kung anu man ang desisyon niya at lalong lalo na, kaya mo siyang pagtiwalaan at patawarin

So why should I be scared kung ano man ang mangyare? Diba ang gusto ko lang ay nasa tabi ko siya, mahalin siya at pasayahin siya. Ok lang saakin kung hindi ganun ang gusto niya


"I'm sorry.. I love you ok? Ginawa ko lang yun dahil naguguluhan ako. Gusto kong mawala ka sa isip at puso ko pero hindi ko magawa. I'm sorry, hindi ko na yun gagawin ulit.. Just.. Just forgive me" mahigpit pa rin ang pagkakayakap niya sakin habang sinasabi yun


"Ok lang saakin yun" sagot ko. Hindi na ako dapat magiinarte dahil gusto ko to


Getting over you[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon