Epic Fail

7.1K 109 17
                                    

 Yung feeling na ' Finally ariel happened to me' dahil nakaisip na ako ng plot XD

Sorry po kung ngayon lang nakapa Update :*


Si Matt nga pala sa TAAS ^^


ENJOY READING


**


xx6.. Epic Fail

Acacia's POV

A month and a half already past pero fresh pa rin para saakin yung mga sinabi niya. Pagkatapos nung araw na yun hindi na ako nakipagusap sakanya. Iniiwasan ko na siya. Kung magkita man kami nageexcuse ako kaagad para hindi ko siya makasama at alam kong alam niya na umiiwas ako.

Nakaya ko yan. Nakaya kong umiwas ng 1 month and 15 days. Grabe nuh? Nagawa ko namang hindi siya kibuin, hindi siya ngitian sa mga araw na yun.

Malapit na ngang magtatapos ang 1st Semester at hell week na namin ngayon. Madami nang projects tapos this week na ang finals namin sa 1st semester tapos mag se-sembreak na.

Speaking of sembreak..


"Girl saan ka pagkatapos ng Finals natin?" tanung ni Alisa saakin habang ako babasa ng mga Math books basta all about math na may link about sa subject ko


"Wala akong plano eh. Ikaw ba? Kung saan ka dun na rin ako" Isinara ko yung libro tapos uminum ng tubig. Nasa library kami and mostly sa mga tao dito natutulog at hindi nagbabasa


"Let's call it a date! Pagkatapos ng finals natin dun daw tayo sa private resort nila Nathaniel magsta-stay. 4days and 3 nights lang naman tayo dun. Handa na rin lahat—"


"Ay may pupuntahan pala ako! Sabi ni mom at dad saakin isasama raw nila ako sa Japan eh. Dun daw kami magse-sembreak"


"Pero sabi mo—"


"Nakalimutan ko girl. Sorry"


Nakita ko namang nagpout si Alisa saakin sabay inum ng tropikana na binili namin kaya Uminum rin ako. Wala naman kasi talaga akong pupuntahan at nagsisinungaling lang ako kay Alisa. You know, 1month and 15 days nako hindi nakikipagkibo o kaya nakikipagusap kay Nathaniel tapos pagkatapos ng finals eh sasama pa ako papunta dun sa private resort chuchu nila? No way! Masasayang yung 1 month and 15 days kong pagiiwas—


"Ako girl ha! Nakakahalata nako sainyong dalawa. Sabihin mo nga.."


Napatigil ako sa paginum at napatingin kay Alisa na nakakunot ang noo


"Sabihin ang anu?"


"Sabihin mo nga na nag L-LQ kayo!?"


Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Kami? Seryoso? LQ? Highschooler ang peg?


"Hindi ah tsaka bakit naman kami magL-LQ aber eh hindi nga naging kami. Duh~" pagtataray ko sakanya at uminum ulit. Nakita ko ring uminum rin siya tapos binagsak yung bote kaya napatingin samin yung Librarian

Getting over you[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon