*nagpasabog ng granada* sa wakas matatapos na rin ako sa story na to xD thank you sa mga bumasa nito hanggang sa prologue hanggang dito, yung mga silent readers ko kuno na nakikipagchat :* thank you rin. Sana wag niyo kong patayin pagkatapos nito :DD yun lang salamat.. Maybe mga bandang 8pm ko epu-publish yung epilogue
xx29.. Goodbye (Last Chapter)
Acacia's POV
"Please.. Ako nalang Acacia"
I heard he said and he kiss me but a tear fell down from my eyes pero tumango ako.. This is my choice and his choice. Hindi ko to pagsisisihan.
But
Bigla akong nagising dahil may biglang pumokpok sa ulo ko o sa science pa, ito ay tinatawag na concience
Hindi ko alam ang pinaggagawa ko. I let him kiss me kahit alam kong hindi pwede kasi bestfriend siya nang ex-- ni Nathaniel. Hindi ko alam kung bakit ko to pinag-gagawa kaya naitulak ko siya bigla. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagtatanung na 'bakit'
"I'm sorry.. I can't Matt. Wag ganito please. Ayokong madamay ka"
Nakita kong umupo siya ng maayos habang nakayuko ulit. Naririnig ko kung paano siya huminga ng malalim at nagsalita
"Sige. Tanggap ko na. Naiintindihan ko"
That was the last sentence na narinig ko galing sakanya kasi pagkaumaga nun nagtungo ako sa room niya pero wala nang tao dun. Wala nang nakatira dun and I guess hindi na rin siya babalik dito sa hotel
"Honey?"
Narinig kong sabi ni Mom kaya napatingin ako sakanya habang nilalaruan ang pagkain ko na nasa plato. Umupo ako ng maayos
"Bakit mom?"
"Kanina kapa namin tinatanung ng dad mo kung ok naba ang lahat ng papeles mo. You know, kailangan ok na lahat para walang problema pag nakapagtransfer kana dun sa school mo sa newyork"
I just nood. Ok naman kasi ang lahat, ok narin ang flight namin papunta sa newyork.
"Nakuha mo naba ang mga gamit mo sa unit mo? Bukas na yung flight natin"
Rinig kong sabi ni dad at umiling lang ako. I need to get my things. Mamaya kukunin ko na.
"Kailan mo pa kukunin yun anak?"
"Later mom"
Tumango nalang sila at kumain nalang ako kahit wala akong gana. Nung natapos na akong kumain. Naligo na ako kaagad at nagbihis. Nakashirt lang ako tapos pants then sandals. Simple lang , wala kasi akong gana magpaganda ngayon.
Nung nakarating na ako sa unit ko. Sinimulan ko na kaagad ang pagliligpit. Kinuha ko ang lahat ng gamit na kailangan kong kunin hanggang sa napahinto ako dahil sa isang salamin na nasa harapan ko. Nakikita ko sa reflection ko yung kwintas na binigay ni Nathaniel sakin. As much as possible, ayokong may mga gamit akong galing sakanya kasi ayoko na magkaroon ng kung ano mang connection galing sakanila. Hindi naman ako bitter o galit sakanila kasi napatawad ko na siya, pati si Alisa. Narealize ko kasing kung hindi ako magmo-move on, ma sta-stuck ako sa past kaya kailan ko nang maglet go sa mga bagay na hindi na sakin at narealize ko ring lahat ng tao nagkakamali kaya kailangan marunong tayong magpatawad and that's what I'm doing
Unti-unti kong tinanggal yung kwintas at kumuha ako ng jewel box tapos nilagay yun. Kailan ko to isauli sakanya.
When I already done. Pinasundo ko yung driver namin dito para kunin ang mga bagay ko at sinabihan siya na ihatid yun sa hotel na tinitirhan namin. Umalis na ako kaagad sa condominium na tinitirhan ko at sumakay ng taxi.
BINABASA MO ANG
Getting over you[Complete]
Narrativa generaleCopyright © 2015 by Dhummy All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means, including information storage and retrieval systems, without written permission from the author, except in...