Date? Again?

3.7K 52 2
                                    

  Dahil nakapasok ako ng club kahapon, inspired akong magsulat XD sorry for the late update.. ito na po..

 Si Nathaniel sa itaas :))

xx23.. Date? Again?

Acacia's POV

Today is another day. December 11 na ngayon and guess what? Magde-date raw kami

Hindi ko man alam kung saan kami pupunta pero excited ako. Well.. Ngayon lang kami ulit lalabas diba?

So ang usapan namin. Magkikita kami ngayong 2:30 sa park. So here I am, naglalakad na papunta doon. Malapit lang naman kasi kaya malalakad ko lang tsaka gusto ko ring mag window shopping

So habang naglalakad ako, napapatingin tingin naman ako sa mga damit na nakadisplay ng bigla akong napahinto

Napahinto ako dahil sa isang weeding dress na dinisplay sa isang store.. I used to be wearing that gown 5years ago.. Katulad na katulad sa gown kong sinuot nung ikakasal sana kami at sa dahilang ayoko nang matandaan yun, naglakad nalang ako palayo at napahinto nanaman sa isang coffee shop

Tinignan ko muna ang relo ko to check the time at naglakad nalang palayo. 1:45 pa naman at malayo pa yung 2:30, siguro naman hindi niya makakalimutan yung usapan namin kahit na magkasama sila ngayon

Yeah alam kong tanga ako dahil hindi ko siya nilalayuan at iniwanan pero nagsugal na ako nito. Sinabi ko na sa sarili ko na hindi ako iiyak pag makikita ko silang magkasama


and yes hindi nga ako umiiyak pero nasasaktan ako

***********


"Oh maaga ka yata" sabi ko sakanya habang nakatingin sakanya na hinihingal pa

"Two.... Two thir... Two thirty na... Late na nga ako.."

"Ah ganun ba" nasanay kasi akong pinaghihintay mo ako ng ilang oras-- yan sana ang gusto ko pang idagdag pero hindi ko nalang sinabi. Ayoko nalang ibring up ang topic na yun. Past na yun. Dapat hindi na yun inaalala pa at dapat ang tutuunan ko ng pansin ngayon ay ang date namin kasi dumating siya

"Tara?"

Sabi niya at hinawakan yung kamay ko nung pagkatayo ko at naglakad na palabas ng park at sumakay ng cab

30 mins siguro yung byahe bago kami nakarating sa isang lugar na mabukid. Bukid nga talaga. May palayan kasi tapos ang mga bahay, gawa sa kahoy

"Ginagawa natin dito?"

Tanung ko sakanya. I don't really know kung bakit kami nandito.. Magde-date kami diba?

"Dito muna tayo tutuloy. Sa thursday tayo uuwi"

"May kakilala kaba dito?"

"Meron-- oh ayan na pala sila..."

Napatingin ako sa tinitignan niya at nakita ko namang may isang matandang babae at matandang lalaki na may kasamang lalaki.. At kilala ko siya

Nagmano si Nathaniel dun sa matanda at ako.. Ako? Magmamano rin kaya ako? Teka.. Wag nalang kaya? Ay magmamano na nga lang

So nagmano nga ako tapos ngumiti at nagman to man hug naman sina Mathaniel at yung lalaki

"Anu.. Lo, La at Mike si Acacia... Asawa ko"

Sabi ni Nathaniel at ako.. Syempre, tumahimik nalang. Nakita ko namang ngumiti yung grandparents niya sakin

"Kay gandang babae.. Tara sa loob ng bahay ihja"

At dun ko lang napansin na maganda pala ang bahay nila dito. Ito lang ang naiiba ata?

So habang naglalakad kami papunta doon sa bahay nila, nakikita ko yung mga trabahador.. What I think na tumitingin saamin.. Saakin?

Napatingin ako sa sinuot ko. Nakahigh waist short tapos sleeveless na loose at nakatube

Maganda naman ang fashion ko kaya bakit ba nila ako tinitignan?

Nakita ko namang hinubad ni Nathaniel yung polo niya tapos nilagay sa bewang ko at hinalikan yung noo ko

"Takpan lang natin" bulong niya tapos hinila ako. Malisyosong bata.

So nung nakapasok na kami. Nakita ko namang umupo sila maliban sakin

"Hindi ka uupo ihja?"

"Ay... Ano.. Nauuhaw kasi ako.."

"Ah ganun ba? Pumunta ka dun tapos muliko ka sa left side at makikita mo ang kusina. Kumuha ka lang dun ng maiinum"

"Ah ganun ba? Thank u po"

I said tapos tumingin kay Nathaniel at tumango naman siya then naglakad na ako papunta doon. Habang naglalakad ako, nakita ko namang may mga maid sila dito na nakatingin sakin at ngumiti

"Magandang hapon po" sabi nung isang maid at ngumiti naman ako. Hindi ako magmamaldita dito

"Magandang hapon rin"

I greeted back tapos nagsimulang maglakad ulit. Nung nakarating na ako sa kusina. Tinignan ko muna kung ano ang nasa loob

"Uhm.. Fresh milk or water.. Hmmm.. Fresh milk nalang kaya? Ah.. Fresh milk nalang"

Kumuha ako ng isang box nun at binuksan then tumalikod but dahil sa malas may nabangga akong tao at nabuhusan ko ng gatas

Agad agad naman akong lumayo at tinignan kung sino yun..

"Clumsy ka parin"

"Sorry"

"Hindi matutuyo ang damit ko gamit lang ng sorry mo"

"Ay ganun ba? Magpalit nalang tayo ng damit.. Sayo tong sleeveless ko at akin yang shirt mo.. Ano Mike, deal?"

Inis kong sabi sakanya pero ngumiti lang siya tapos naghubad ng shirt sa harapan ko kaya tumingin ako sa ibang direction tapos naglakad na palayo

Pinsan ata siya ni Nathaniel.. Bakit kaya hindi ko nalaman yun pero bago ako nakalayo-layo sakanya.. Nagsalita siya na dahilan upang tignan ko siya pabalik

"Hindi pa nga tayo nagbre-break, nag hanap kana kaagad ng asawa"

Getting over you[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon