Decision

3.5K 62 5
                                    

'sometimes all you can do is walk away, hide your tears, and just pretend you're okay'

   -- Acacia

xx18.. Decision

Acacia's POV

"Hey ok ka lang?" napatingin ako kay Matt na chinicheck yung temperature ko gamit ng palad niya na nilagay sa noo ko

"Oo.. I'm ok"

"You look like a sick person"

Lovesick siguro..

Nginitian ko nalang siya at pinagpatuloy nalang yung ginagawa ko. Ayokong sabihin sakanya kung bakit ako matamlay o parang may sakit.

"Kumusta na kayo ni Nathaniel? Wala bang.. Nagbabago?"

Napahinto ako sa ginagawa ko at napatingin sakanya tapos ngumiti. Kahit gusto kong sabihin na meron eh hindi pwede

"Ok naman.. Wala naman, bakit? Meron bang dapat magbago?"

"wala naman.. Just asking.."

Rinig kong sabi niya ng biglang may nagtext sakin kaya inopen ko yun at napangiti naman ako


From: Bae

Bae mamayang 5pm ok? Sa may benches kita kukunin. Yung malapit sa field. Dun ok? Lalabas tayo. I love you


Napangiti naman ako at nagreply ng 'ok I love you. Hihintayin kita'

"Nagtext sayo si Nathaniel?"

"Yep"

"Ah kaya pala anlaki ng ngiti mo"

Tumingin ako kay Matt tapos ngumiti then inayos ko na ang gamit ko. 3pm na kasi at nasa library kami ni Matt

"Aalis kana?"

"Yeah.. Kakain lang ako dun sa Barbie's Cakeshop. Anu, sama ka?"

"Game!"

Inayos na namin yung mga gamit namin at naglakad na palabas ng campus. Wala naman kasi siyang klase at lalo na ako

Habang naglalakad kami, napansin kong makulimlim yung langit kaya kinuha ko agad agad yung payong ko na nasa bag ko

"Magpapayong ka eh hindi mainit"

"Oo nga hindi mainit pero uulan"

"Asa"

Nagrolled eyes nalang ako at binuksan yung payong at nagsalita

"Pag umulan, wag na wag kang-- sabi ko naman diba? Paano ba--"

Bigla bigla niya kong niyakap sa likoran gamit ng right hand niya tapos inagaw yung payong. Napatingin naman ako sakanya na nakakunot ang noo

"Oh bakit ka sumilong? Alis"

"Ansama naman nito.. Umuulan oh.. share nalang tayo hehe"

Yung word na 'pagbigyan' ay ginawa ko. Pinabayaan ko nalang na ganung ang posisyon namin dahil hindi ako nababasa pwera lang sa sandals ko

So habang papunta kami dun tahimik lang kami dahil umuulan tsaka andaming taong nagtatakbuhan may iba naliligo nalang sa ulan hanggang sa nakarating na kami sa barbie's cakeshop

"Grabe.. Anlakas ng ulan nuh?" tanung sakin ni Matt habang inaayos yung buhok niya

"Oo nga eh.. May bagyo daw kasi"

Getting over you[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon