xx22.. Promise
Acacia's POV
"No! Mom palabasin niyo ako dito! Please! Iiwanan niya ako mom! Kailangan ko siyang hanapin!"
Rinig kong sigaw galing sa loob ng hospital room ni Nathaniel kaya agad agad akong pumasok at nakita kong napatigil si Nathaniel sa kakagalaw
"Hay salamat at nandito kana. Ikaw muna bahala sakanya ihja pwede?"
"Opo tita"
Nakita ko namang lalabas na si Tita kaya nag give way ako tapos lumapit kay Nathaniel na nakatitig pa rin sakin. Umupo ako sa tabi niya tapos ngumiti
"May dala akong pagkain.. Gutom kana ba?"
Tumango siya at tatayo na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko
"San ka pupunta? Wag mo kong iwan"
Tumawa muna ako ng mahina bago ko siya sinagot
"Diyan lang ako oh.. Ihahanda yung pagkain mo.. Wag kang magalala.. Hindi kita iiwan"
"Mangako ka..."
Natigilan ako sa sinabi niya pero ngumiti nalang ako tapos pumunta dun sa table at inilagay sa plato yung niluto kong sopas
"Kumusta ang pakiramdam mo?alam mo bang tatlong araw kang natutulog na walang laman ang tyan? Kaya dapat kang kumain ng marami"
Sabi ko habang nakatalikod sakanya tapos bigla siyang nagsalita
"Hindi kapa nangangako sakin.. Mangako ka muna"
Kinuha ko yung tray tapos lumapit sakanya at pinatong sa side nung kama niya yung tray then inihipan yung sopas na nasa kutsara
"Mangangako ako pag gumaling kana.. At para gumaling ka, kumain kana.. So Nganga.." nakangiti kong sabi at nakita ko siyang napailing iling tapos binuka yung bibig niya at sinubuan ko na siya..
It took 2 weeks bago siya nakarecover and today is december 10. Tapos na yung christmas ball ng school at hindi kami nakasali ni Nathaniel dahil nasa hospital siya. Bumabalik na rin naman ako sa dati , yung may pagkamaldita at bumibisita naman sina Matt at Alisa dun sa hospital but not all the times
Ewan ko ba pero siguro dahil sa nandun ako kaya madalang lang siya pumupunta
"Bae? Iniisip mo?"
Napapansin kong palagi nalang niya yan tinatanung. Kung magiging tulala man ako o nakahiga habang nakatingin dun sa ceiling, yun kaagad ang itatanung niya
"Iniisip ko kung dadating ba sina mom at dad sa pasko or sa newyear"
Hindi ako nagsisinungaling ok? Totoo yang sinasabi ko.. Tumawag kasi si mom at sabi niya pupunta daw sila dito dahil invited kami sa isang engagement party na mangyayare this December, I don't know what is the exact date but december daw.. And speaking of december, si Alisa pala engagement niya ngayong 17.. Matutuloy kaya?
"Ah ganun ba?"
Sabi naman niya at pinaglaruan ulit yung buhok ko. nasa unit niya kami, ayaw daw niya sa unit ko dahil baka layasan ko daw siya pag matutulog kami
"Iniisip mo ulit?"
Napatawa nalang ako. Bakit ba siya ganyan ngayon?
"Iniisip ko.. Uhm... Ikaw siguro.. Ikaw na panot"
Then I laugh at tumawa rin siya tapos hinawakan ang kamay ko at hinalikan yung likod ng palad ko
"Diba may usapan tayo?"
Napaisip naman ako. Meron ba?
"Ano naman yun? Sa pagkakatanda ko, wala naman"
"Meron.. You said na magpagaling muna ako bago ka mangangako na hindi mo ako iiwanan"
Sabi niya and memories come back from my head. Nakikita ko ang sarili ko na umiiyak, nasasaktan, nagpapaulan. I almost let my tears fall. Tumingala muna ako tapos kinalma ang sarili ko. I promise to myself na hindi ko sasayangin ang kahuli-hulihang luha na kinikimkim ko ngayon
"Ah yun ba? Sige magpra-pramis ako.."
Sabi ko at humarap sakanya tapos ngumiti at nakita ko naman siyang ngumiti
"I promise that I won't go anywhere. Hindi kita iiwanan pwera lang kung hindi mo ako sasaktan ng sobrang sakit, yung tipong hindi ko na kakayanin.."
"Paano kong mangyare yang pwera mo... Iiwanan mo ako?"
Ngumiti ako bago nagsalita
"Kung yan ang ikakabuti sakin...
Ikakabuti ng lahat,
gagawin ko kahit ako yung masasaktan"
BINABASA MO ANG
Getting over you[Complete]
Aktuelle LiteraturCopyright © 2015 by Dhummy All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means, including information storage and retrieval systems, without written permission from the author, except in...