Jeremy POV
Nandito na ako sa bahay at pabagsak akong humiga sa kama. Napahilot ako sa aking sentido ng maalala ang mga pangyayari kanina. Ilang sandali lang ay napabuga ako ng hangin atsaka tumayo at dumiretso sa banyo. Hinubad ko lahat ng saplot sa aking katawan at walang itinira habang pinagmamasdan ko ang sarili kung repleksyon sa salamin.
May katangkaran ako, maputi ang balat, maganda ang pangangatawan ko bunga ng pag ehersisyo, may nakaka akit na abong mata, mahabang pilik mata at matangos na ilong at higit sa lahat ang mapupula kung labi. Napangisi ako sa magandang senaryo na nasa aking harapan.
"If only I could make myself fall for me I would gladly do that." napapailing kung sabi at binuksan ang shower para maligo. Pagkatapos ay nagbihis ako ng itim na sando at boxer shorts bago pumunta sa kama. Napatigil ako ng biglang mag ring ang cellphone ko kaya binuksan ko ito. Isang text message ang bumungad sakin na galing kay Veronica. Binuksan ko ito at binasa.
-Samahan mo ako mag mall bukas. Libre ko.
PS. No buts!
Napatawa nalang ako sa kanyang text. She's really a bossy woman. In-off ko na ang cellphone at natulog.
-Kinabukasan-
Naka ready na ako kaya pumara na ako ng taxi.
"Saan ka iho?" tanong ni Manong driver.
"Sa Mall po." tipid kung sagot. Tumango ito pagkuway sinimulang paandarin ang makina. Pagdating sa mall ay nakita ko na si Veronica at naka sout pa ito ng dress at sandal na may takong.
"Heto po ang bayad Manong. Keep the change nalang din po." mahina kung saad at ibinigay sakanya ang one hundred pesos.
"Naku! Maraming salamat dito iho! Hindi ka lang gwapong bata mabait pa." masayang sabi ni Manong sabay puri pero ngumiti lang ako at naglakad papalapit kay Veronica na kuma kaway pa.
"Ang ganda mo, Girl!" puri ko pero isang kiming ngiti lang ang isinagot niya.
"Alam ko na iyan. Duda nga ako eh dahil tila ikaw nalang yata ang hindi natatablan sa ganda kong 'to!" pa-irap niyang sabi na ikinatawa ko.
"I told you....I'm allergic to girls." natatawa kung sabi. Nilingon niya ako.
"At bakit naman aber?Don't tell me you're into guys?" takas kilay niyang tanong.
"Why not naman diba?" labas sa ilong na sabi ko na mas lalong ikinakunot ng noo niya.
"Umayos ka Jeremy! Ka gwapo-gwapo mong lalaki tas iyon pala bakla ka." napailing ako sa itinuran niya. Makulit talaga ang babaeng ito kahit kailan.
"Bakit galit ka ba sa mga bakla?" tanong ko. Napameywang siya.
"Wala akong sinanbing ganoon. Ang ibig kung sabihin bakit ba lahat nalang ng gwapong lalaki dito sa mundo ay nagiging bakla. Sana man lang may ititira din silang matino para sa aming matinong babae." malakas niyang sabi na ikinatawa ko.
"Hinaan mo nga ang boses mo baka may makarinig sayo." sita ko sakanya pero ang babae inirapan lang ako.
"I don't care." malditang sabi nito at umirap tsaka naunang pumasok sa loob kaya sinundan ko nalang.
Naglibot-libot lang siya sa mall at sabay pili nang mga nagustuhang damit at ako naman ang ginawang dakilang alalay na tagabitbit ng mga paper bags niya. Pagkatapos niyang mag mall ay kumain kami sa isang restaurant at pagkuway lumabas at pumuntang parking lot kesyo nandoon raw 'yung sasakyan niya at heto namang si ako na alalay ay sumunod sa kanya. Ipinasok ko sa sasakyan ang mga paper bags at inilagay sa backseat.
"Tara. Ihahatid na kita." suhestiyon niya pero umiling lang ako.
"Mauna ka na may gagawin pa ako." nakangiti kung saad. Tinignan niya ako ng may pagdududa.
"Sigurado ka?" tanong niya.
"Oo naman. Sige! Mauna ka na." nakangiti kung sabi kaya tumango nalang siya at binuksan ang makina nang sasakyan.
"Sige. Mag ingat ka kasi may mga goons raw ngayon na nangunguha ng mga gwapong lalaki." nakangising sabi nito sabay kindat at pinaandar na ang kotse.
"Aba loko 'yun ah. Di man lang ako pinasalamatan." mahina kung reklamo. Pero dahil balak kung pumunta ngayon sa park ay nagsimula na akong umalis sa parking lot at paliko na sana ako sa may bandang C.R pero nagulat ako ng may narinig na putok ng baril at isang lalaking walang buhay ang humandusay sa sahig at sa mismong harapan ko pa.
Natigilan ako at na istatwa dahil tila pakiramdam ko ay nakatitig pa ito sakin. Naipilig ko ang ulo at akmang tatalikod pero nakarinig ako ng kasa ng baril sa mismong harapan ko kaya pag angat ko ng aking ulo mukhan ng isang Calibre 45 na baril ang nakatutuk sa akin. Mas lalong ikinagulat ng aking mukha nang mapagtanto ang may hawak ng baril. I-It's my client yesterday night!
Nakasout ito ng black suit at ang mukha nito may bahid ng talsik ng dugo na nagmumula sa binaril nito ngayon. Malamig at walang emosyon ang makikita sa gwapo nitong mukha. Napabalik ako sa wisyo ng mapagtanto na tinutukan pala ako ng baril.
"What are you doing here?" tila gusto ko nang magpalamon sa lupa sa sobrang kaba ng marinig ang nakakatakot nitong boses.
"Are you spy-No! That's a big no. Wala akong kinalaman, wala akong nakita, wala akong narinig. Nandito lang ako kasi hinatid ko 'yung kaibigan ko." putol ko sa sasabihin niya at pinigilan na huwag manginig ang boses ko. Tao din naman ako kaya natural lang siguro na matakot ako sa baril na nasa harapan ko lalo na at nakakatutok ito sa akin ngayon.
"Afraid of death?!" sabi niya at di ko alam pero parang insulto iyon sa pandinig ko.
"I'm not saint." sagot ko ng diretso. He just looked at me coldly at napapikit nalang ako ng kinalabit nito ang gatilyo. Jusko Po!
Pero hindi ito para sa akin kundi para sa taong nasa likuran ko kaya napalingon agad ako sa aking likuran. Isang lalaki na may hawak ng baril habang nakatutok ang baril sa akin. Nagulat ako pero patay na ito na nakahandusay sa lupa.
"You owe me your life." sabi ng lalaki sa harapan ko. Nilingon ko siya.
"I didnt tell you to save me." diretsang sabi ko.
"I didn't save you because of yourself but I did save you because of your body." he coldly said while stared at me sharply.
"Shut up! My body is not a toy." galit kung sabi.
"Is that how you say thank you to the person who save your life?" he sarcastically say while lowering his gun that is pointing on me. Natameme naman ako. Tsk!
"Fine. Thank you for saving my life." labas sa ilong na sabi ko.
"I don't accept gratitude through words. I want gratitude coming from actions." malamig niyang sabi at sinukbit sa beywang ang baril. Napalunok ako.
"W-What do you mean?"
"If you really want to thank me for saving your life then use your body towards me. In short, have sex with me." he said then straightly looked at me. Napaatras ako.
"T-Teka..bakit umabot sa ganoon?" naguguluhan kung tanong.
"Things work out differently especially when you're talking to a businessman." parang gusto kung upakan ang mukha niya dahil sa kanyang sinabi.
"Think about it. And in case you're looking at me. Just go to the M.Z Company you're welcome to go there anytime you want." after he said that he left while I'm here dumbfounded. Nanghihina akong lumabas ng tuluyan sa parking lot mabuti nalang walang CCTV dito na area. Agad akong umalis sa lugar na iyon at dumiretso nalang ako sa bahay. Things happened so fast.
"This is fuck!"
@KyleAcire
©️2023
BINABASA MO ANG
The Host (Boy's Love Series #1)
RomanceWARNING: Rated 🔞 •COMPLETED SEASON 1• Jeremy Shah, a host in one of the famous host club in the Philippines accidentally stumbles in a heartless and notorious mafia head-Magnus Zachary. Their first meeting was a quite disaster, in their second met...