Chapter 24: (Season 1)

718 24 0
                                    

Jeremy POV

Nagising ako ng maramdaman ko ang init ng sinag sa araw na nagmumula sa labas ng bintana. Napatalikod ako mula rito at iidlip pa sana dahil inaantok pa talaga ako nang may bigla akong naalala. Napabangon ako ng wala sa oras at napalinga.

Napatingin ako sa aking sarili, nandito na ako nakahiga sa kama ni Magnus habang may kumot ang katawan ko pero wala  si Magnus sa tabi ko. Napakunot ako ng noo at unti-unting bumaba sa kama. Pumunta ako una sa banyo para maghilamos muna bago hanapin si Magnus dahil amoy pawis ako. Pagkatapos kung maghilamos ay lumabas na ako at pumunta sa bawat sulok ng kwarto niya pero walang Magnus na nagpakita.

Lumabas ako sa kwarto at dumiretso sa veranda pero wala pa ring Magnus na nagpakita sa halip ay mga turista at bisita ang nakita ko mula sa aking kinaroroonan na masayang naliligo sa dagat, may iba nag sunbathing, may gumagawa ng sand castle, at may nagtatawanan pa. Napatampal ako sa aking noo, saan ba kaya pumunta ang taong iyon at paano ko siya hahanapin sa dinamirami ng mga taong ito. Hindi naman siguro siya nagtago mula sa akin diba? Dahil kung mangyari man iyon malilintikan na talaga siya sa'kin.

Umalis ako sa veranda at pumunta sa elevator atsaka pinindot ang ground floor. Sakto ako lang mag isa kaya makapag isip ako nito ng maayos. Saan ko kaya unang hanapin si Magnus? Sa lobby? Sa parking lot? Or 'di kaya sa reception area? Tama, magtanong nalang ako doon sa reception area baka nakita nila kung saan si Magnus.

Bumukas na ang elevator kaya lalabas na sana ako pero hindi pa man ako nakalabas ay may isang taong bumunggo sa akin. Pag angat ng tingin ko ay gayon na lamang ang pagkagulat ko ng makita kung sino ito. It's the mysterious guy last night.

Naka sout siya ng cap kagabi kaya hindi ko maaninag ang mukha niya ng maayos but I'm the type of person na matalas ang pang amoy. His perfume is the same as that person last night. Impossibly naman na nagkataon lang na magkapareha sila ng gamit na pabango.

Bago ako tuluyang lumabas sa elevator ay tinapunan ko muna siya ng tingin at nahuli ko siyang matiim na nakatitig sa'kin. That was the look same as last night. 'Yung klase Ng tingin na parang may malaki kang kasalanan na kulang nalang ay ibabayad mo ang buhay mo. It's a judgemental but at the same time creepy stare.

Pagkasara ng elevator ay tumalikod agad ako at habang naglalakad ako sa lobby ay maraming mga foreigners akong nakikita. Halos kagabi lang ang tahimik nitong resort pero ngayon halos may party sa sobrang dami ng tao. May iba pang babae na naka swimsuit na panay ang tingin sa'kin and they gave me a seductive look but I just shrugged and didn't mind them. Pero napahinto ako ng may isang babae ang humarang sa dadaanan ko papunta sa reception area. She's beautiful pakiramdam ko isa 'tong mestisa. But, I don't have time with her nationality right now dahil may mas importante pa dito.

"Hey! I notice you are alone. Mind if I join you?" sabi niya sabay kapit sa braso ko. Napatikhim naman ako sa sinabi niya.

"I'm sorry but I'm not alone, I do have a companion and I'm searching of him right now. So?" agara kung sabi sabay ngiti ng peke ewan ko lang kung napansin niya. Agad naman niyang tinanggal ang kanyang braso na nakakapit sa'kin sabay ayos sa sout na sunglass niya.

"Oh! I'm sorry for that I didn't know that you have a companion since you're all alone and......you look so hot." she said while looking at me from head to toe. Can't blame her since it's true.

"It's fine...so, gotta go now." paalam ko sabay alis. Nakahinga naman ako ng maluwag pagkalayo ko sakanya. Pagdating ko sa reception area ay nagtanong agad ako.

"Have you seen, Mr. Zachary?" tanong ko sa isang babae na receptionist. Ngumiti siya bago sumagot.

"May inasikaso lang po saglit si Mr. Zachary pero babalik rin po siya agad Sir. Atsaka may ibinilin po siyang salita na kapag gumising ka na ay kumain na raw po kayo, may ipina-reserba na po siyang pagkain para po sa inyo dito sa restaurant ng resort at pagkatapos niyong kumain ay pumunta raw po kayo sa mini bar dito sa loob ng hotel at doon niyo raw po hintayin si Sir Zachary." nakangiting sabi ng receptionist habang nakatingin sa akin. Napatango nalang ako dahil ambilis niyang makasagot at paano niya nalaman na kasama ko si Magnus. Grabe naman 'to parang intel.

"Pwede mag tanong kung saan banda ang mini bar dito?" tanong ko ulit.

"Uhmmm...Sir, kumain raw po muna kayo bago pumunta doon." sa halip ay saad niya. Ngumiti ako at tumango.

"No problem. Busog pa ako atsaka hihintayin ko nalang muna si Magnus I mean Mr. Zachary." pang iiba ko rin sa usapan. Napatango nalang siya sa sinabi ko.

"Sige Sir. Ikaw po ang bahala." sagot niya atsaka bahagyang yumuko. Ngumiti lang ako at tumalikod sa counter at hinanap ang mini bar. Pagkakita ko nito ay agad akong pumasok sa loob. Walang tao at sobrang tahimik kaya maingat akong naglakad.

Pumunta ako sa may counter at may nakita akong isang baso at isang bote ng champagne. I'm not into hard drinks but wala naman sigurong mawawala sa akin if I would take a one sip hindi ba. Nagsalin ako ng alak sa baso sabay paikot-ikot nito sa loob ng baso.

Habang ginagawa ko ito ay hindi ko mapigilang magisip kung saan si Magnus ngayon. Ano ba ang ginagawa niya? Bakit bigla siyang nawala? Iniisip niya ba ako sa mga oras na ito?

Naipilig ko ang aking ulo dahil sa mga iniisip ko. Kung ano-ano nalang ang pumapasok sa utak ko. Nilagok ko agad ang alak na nasa hawak kung baso at gumuhit ito ng kakaibang pait at init sa aking lalamunan. Parang gusto kung masuka tuloy. This is why I hate hard drinks!

Bigla akong kinabahan ng biglang bumukas ang pintuan ng mini bar. Nakatalikod ako mula dito kaya hindi ko kilala kung sino ang pumasok. Unti-unti akong lumingon at mukha ni Magnus ang nakita ko. He's handsome! He's wearing a black suit, his hair is kind of messy, and his also wearing his eyeglasses. Hindi ko alam kung may sakit ba siya sa mata or for anti-radiation purposes ang sput niyang eyeglasses but still he's so hot with those.

Agad akong tumayo mula sa counter at nilapitan siya. He's only staring at me.

"Saan ka galing? I ask the lady from the front desk of your whereabouts and she said that you have some important things to do and she added that I will wait for you here so—Hmmmppp..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong hinalikan. Nagulat ako noong una pero agad rin akong tumugon. I miss this so much especially the person who's kissing me right now!


.
.
.
@KyleAcire
©️2023

The Host (Boy's Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon