Chapter 4: (Season 1)

1.2K 28 0
                                    

Jeremy POV

Nakatulala ako na nakaupo dito sa counter ng club habang iniisip ang mga nangyari kanina sa parking lot. Tila panaginip lang ang lahat dahil sa bilis ng mga pangyayari. Sa tuwing naiisip ko 'yung sinabi ng lalaki kanina para akong tanga na gusto siyang upakan. Hindi ko naman gustong mamatay at mas lalong hindi ko gusto ang pagsagip niya sa akin atsaka hindi ko naman siya sinabihan na iligtas ako. Pero kung tutuusin wala sana ako sa kinauupuan ko ngayon kung hindi niya ako iniligtas. Tsk! Parang gusto kung suntukin ang sarili ko dahil sa mga nangyayari.

"Problema mo?" napatigil ako sa pagiisip ng magsalita si Shein na nasa harapan ko na pala. Nagsalin ito ng alak sa baso niya at nilagok ito. Tinitigan ko siya....She's beautiful but I don't see myself having a crush or feeling any affection on her. I'm not really into girls.

"Baka matunaw ako." pabiro niyang sabi. Napatawa nalang ako ng mahina pagkuway bumuntong hininga.

"Shein, may tanong ako." pagsisimula ko. Mas mabuti narin siguro na ilabas ko itong mga sama ng loob ko para naman maibsan ang mabigat kung nararamdaman.

"Hmm..Ano naman 'yun?" simpleng sagot niya at tumingin sa akin.

"What if there's someone saved your life even though you didn't tell them and also that person who saved you is the one you really hate. What will you do?" tanong ko habang nilalaruan ang wine na nasa hawak kung baso.

"Hmm..Of course kahit papaano mahal ko ang buhay ko kasi andami ko pang plano at pangarap kaya kahit may galit o sama ng loob ako sa taong tumulong sakin ay utang ko pa din sakanya ang buhay ko kahit na hindi ko siya sinabihan na iligtas ako. Kahit pagbabaliktarin pa ang mundo buhay pa rin naman ang pinaguusapan dito." sagot niya habang nag-iisip ng malalim. Natahimik naman ako at parang hindi ko alam ang isasagot. Tinignan niya ako na nakakunot ang noo.

"Bakit mo naman natanong iyan?" bigla niyang tanong habang tinitigan ako ng maigi. Napaiwas ako ng tingin.

"W-Wala naman..May kaibigan kasi akong humingi ng tulong ko." pagsisinungaling ko.

"Ahhh.. Ganoon ba." tanging sagot niya na parang hindi kumbinsido.

"Siyanga pala..What if may kapalit 'yung pagtulong niya sayo. Ano ang gagawin mo?" natahimik siya sa tanong ko.

"Siguro pagbibigyan ko kung may kahilingan man siya o di kaya'y magpapasalamat ako. Alam kung labag sa kalooban ko 'yung gagawin ko kasi may galit ako sakanya pero wala akong magawa dahil buhay ko naman ang kapalit." mahinang sabi niya at tila pinagiisipan pa talaga ang mga sinasabi na salita. Mahina akong napatango.

"Ganoon ba." sabi ko at nagsalin ng alak sa baso niya.

"Hindi ako sanay na nagtatanong ka ng mga ganitong bagay." namamanghang sabi niya at natatawa pa.

"Bakit? Ano ba ang ugali ko?" tanong ko.

"Hmm..Base sa pagkakakilala ko sayo may pagka pribado kang tao iyong tipo na hindi masyadong nagsasalita tungkol sa sarili o kahit sa sariling problema man lang kaya nagulat nga ako nang bigla kang magtanong." nakangiti niyang paliwanag habang pasimple akong sinusulyapan.

"Hahahah! Wala akong masabi." nahihiyang tugon ko at napahawak pa sa batok.

"Wala iyon. Mas mabuti pa na huwag mo nalang dibdibin ang sinasabi ko." natatawang sabi niya at tumayo. Kaya napatingin ako sakanya.

"Sige. Maiwan na kita dahil my client is already waiting." she said then wink at me then wave.

"Thanks." tanging nasabi ko at gumanti ng kaway sa kanya. Napabuntong hininga ako at napahawak nalang ng mahigpit sa baso. This is it!

-Three Days After-

Napalunok ako dahil sa sobrang taas at laki ng gusali na nasa harapan ko. Kulang nalang ay tapatan nito ang Empire State Building. May nakalagay pa na higanteng pangalan na M.Z. Company sa pinakatuktok ng building. Feeling ko ay isa lang akong langgam na ilang minuto lang ay matatapakan agad. Ano bang ginagawa ng lalaking 'yun dito at bakit dito pa talaga niya gustong makipagkita sa akin. Tss!

Pumunta ako sa entrance ng gusali at agad namang bumukas ang doorway. Medyo nagulat pa ako ng yumukod ang mga guard pagkakita sa akin. Ehem!

Nakasout lang naman ako ng white long sleeves na nakabukas pa ang dalawang butones sa itaas habang nakatupi ito hanggang siko ko at naka-insert ito sa aking black slacks na nilagyan ko pa ng black leather belt. Nakasout din ako ng black leather shoes habang ang buhok ko ay makintab dahil nilagyan ko ito ng hair oil kaya mukhang basa ito tingnan pero malambot ito pag hawakan. Ni ready ko nalang ang sarili ko sa posibleng mangyari.

Pumunta ako sa may reception area at nagtanong sa babaeng nandoon pero pagkakita nito sa akin ay agad itong ngumiti.

"Good day Sir. Are you looking for Sir Magnus Zachary?" agad nitong sabi. Napakunot ang noo ko dahil di ko nga pala alam ang pangalan ng lalaking iyon pero kahit ganoon ay tumango nalang ako.

"Uhmm..Just go to the elevator Sir and click the floor 25. Then just searched for the CEO Office and you'll find him there." halos mabingi ako sa narinig ko. C-CEO? Seryoso ba iyong lalaking iyon. Napailing ako dahil baka hindi siya iyong lalaking 'yun.

"Salamat." tanging sabi ko at dumiretso sa elevator papuntang floor 25. Pagkarating ko ay agad akong lumabas sa elevator at hinanap ang CEO Office. Medyo tahimik ang lugar na para bang ang CEO lang talaga ang nagmamay ari sa floor na ito. Nang makita ko na ang CEO Office ay napalunok ako ng malalim kahit kanina palang sa labas ay ubos na ang laway ko.

Huminga ako ng tatlong beses bago kinatok ang pintuan.

"COME IN." rinig kung malamig nitong sabi nito mula sa loob kaya mas kinabahan na talaga ako ng tuluyan kasi ka-boses nito 'yung lalaki na kliyente ko noong nakaraang araw at 'yung lalaki na bumaril sa taong nagtangka sa buhay ko.

Nagdadalawang isip ako kung pipihitin ko ba ang siradura nito o hindi pero nilakasan ko ang loob ko at pinihit ito bago pumasok. Pagkapasok ko ay nakita ko siyang busy kakabasa sa tambak na papeles na nasa harapan niya at parang hindi nito napansin ang presensya ko.

Gulong-gulo ang buhok nito, ang white long sleeves niya ay nakabukas ang tatlong butones, habang ang necktie naman ay nakasabit lang sa polo na parang wala nang oras para ilagay ito ng maayos. He looks messed and stressed but I can't deny the fact that he's so hot and his sex appeal is so oozing though his aura is quite a bit scary.

Tumikhim ako para makuha ang attention niya at sakto nga ako dahil nakuha ko talaga ang atensyon niya. Napatigil ito sa ginagawa habang tinitigan ako ng mariin. Binaba niya ang hawak na mga papeles at tumayo ito. Napalunok ako ng lumakad ito papalapit sa akin ng nakangisi.

"So, you came huh?"

@KyleAcire
©️2023

The Host (Boy's Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon