Epilogue: (End of Season 1)

594 18 10
                                    

Jeremy POV

Nandito na ako sa harapan ng sobrang taas at laki na kompanya ni Magnus. Napangiti ako it's been awhile since I come here. It's the second time to be exact!

Pagkapasok ko sa entrance ay tumango lamang ang guard. Kilala niya na siguro ako. Pumunta ako sa reception at nilapitan ang babae na nandoon.

"Good evening! Is Magnus Zachary still here?" nakangiting tanong ko. Agad naman itong tumayo at bahagyang yumuko.

"Yes, Sir. He's on his office." sagot nito. Kaya ngumiti ako.

"Thank you. By the way, may cup noodles ako dito baka gusto mo pampawala nang antok." nakangiting sabi ko at binigyan siya ng dalawa.

"Huwag na p- Just take it. Pakibigay nalang din kay Manong Guard ang isa." agad kung putol sa sasabihin niya at pumunta sa elevator. Halos wala nang mga employee ang nandito mga janitor at  night shift nalang ang natira. Nang makarating ako sa floor na exclusive lang talaga para kay Magnus ay hindi ko alam pero unti-unti akong kinabahan. Shit! This is not you, Jeremy! Sinapak ko ng mahina ang aking sarili at umayos ng tayo. Inayos ko ang polo kung sout pati buhok ko inayos ko rin. Tinignan ko ang dala kung cellophane na may lamang pagkain at kung ano-ano. Para akong galing grocery dahil sa dami ng dinala ko pero I think nag grocery naman talaga ako sa 7 Eleven. What happened to you, Jeremy!

Bumuga muna ako ng hangin bago lumabas sa elevator at dumiretso sa pintuan ng office niya. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok. Naka tatlong katok pa lamang ako ng magsalita siya mula sa loob.

"Come in." that voice. Mas lalo lang akong kinabahan. Pinihit ko ang door knob at binuksan ito ng kaunti. Sumilip ako sa loob mula sa labas. He didn't even notice me 'cause he's busy reading papers left and right. He's table is full of stock pile papers. Meron pa sa sofa nakalagay. Gosh! Is it the work he leave behind when he take me on vacation to Japan. Napalunok ako sa aking nakita parang ayoko tuloy siyang ma istorbo.

Pumasok nalang ako ng tuluyan sa kanyang office dala ang aking groceries at ngayon ko lang na sobrang kalat ng kanyang office. Parang paper factory ang kanyang opisina dahil sa sobrang dami ng papel na nagkalat sa kanyang opisina. Napalunok ako. Tumikhim ako kaya inangat niya ang kanyang tingin.

"Hi!" nakangiting bungad ko.

"Wait? Is it you, Babe?" hindi makapaniwalang sabi niya at napatayo pa. Tumango naman ako.

"Yes." sagot ko.

"Wait? How did you get in? How did you get here?" sunod-sunod niyang tanong. Natawa naman ako sa sinabi niya. He seems stress and sabog.

"Malamang pinapasok ako ng guard." natatawa saad ko. Agad siyang lumapit sa'kin at niyakap ako.

"I miss you." sabi niya.

"I miss you too." sagot ko. At niyakap siya kahit may dala-dala Kong groceries. Ilang sandali ay bumitaw siya sa pagkakayapos sa'kin.

"Ano iyang dala mo?" tanong niya.

"Dahil naisip ko baka hindi ka pa kumain kaya bumili nalang ako ng groceries. Not only for tonight but for future purposes also. Baka maulit na naman na mag overtime ka dito kaya binilhan nalang kita ng pwede mo makain in case magugutom ka. Kaya ganito karami ang dala ko five cellophanes." nakangiting paliwanag ko at inilapag ito. Tinignan naman niya ako.

"What?" nagtatakang tanong ko. Lumapit siya sa'kin.

"I don't know what I did in my past life to deserve an understanding lover like you." sabi niya at dinampian ako ng halik sa noo.

The Host (Boy's Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon