Chapter 45: (Season 2)

294 10 0
                                    

Jeremy POV

Nakaupo ako ngayon sa sofa habang may hawak na popcorn sa aking kamay. Kinakain ko ito habang nanonood ng pelikula. Nasa kalagitnaan na ako ng pelikula ng mapansin kung may umupo sa tabi ko at ng nilingon ko ay si Magnus ito. Tumabi siya ng upo sa'kin at inakbayan ako bago sumandal sa sandalan ng sofa. Hindi ko nalang siya pinansin sa halip ay hinayaan ko nalang ito.

Ibinalik ko ang aking tingin sa TV at patuloy na nanonood. Pero ilang sandali pa lamang ang lumipas ng dumikit si Magnus sa akin kaya nilingon ko siya ng may kunot noo pero ang loko ngumiti lamang.

"Ang laki-laki ng sofa pero nakikisiksik ka talaga sa'kin. Lumayo ka nga!" suway ko sakanya at bahagya siyang itinulak pero sadyang likas na talaga sa kanya ang kanyang lakas dahil hindi ko man lang ito naitulak. Imbes na lumayo sa'kin ay ngumisi lang siya 'yung tipo ng ngisi na nakaka asar.

"Ayoko nga." nangaasar na sabi niya sa'kin kaya tanging ismid lang ang nagawa ko pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa TV. Hindi pa nakadaan ang ilang minuto ay may naramdaman na naman akong kamay na gumagapang sa loob ng damit ko at kahit hindi ko tignan ay alam ko na kung kay kanino ito.

"Aalisin mo 'yang kamay mo o hindi?" nagbabantang sabi ko habang hindi siya tinatapunan ng tingin at sa harapan lang ang tingin ko.

"Ayaw." nangaasar na sabi niya atsaka tumaas papunta sa tiyan ko ang kamay niya.

"Aalisin mo o aalisin mo?" iritadong sabi ko at may bakas na irita sa boses ko. For Pete's sake nanonood ako ng movie, I'm having my good time and yet here he is pestering me. Wala ba siyang ibang pagkakaabalahan at ako ang pagti-tripan niya.

"O." nangiinis na sagot niya. Sa puntong ito umakyat na talaga ang dugo ko sa aking ulo kaya inis ko siyang nilingon pero ang loko nakangiting aso lang.

"Masyadong mainit ang panahon para mangiinis ka ng tao. Kaya pwede ba umalis ka sa tabi ko at maghanap ka ng ibang pagkaabalahan. That's right! Doon ka nalang pumunta sa Office mo dahil total nagtambak naman iyong mga papeles mo doon mas mabuti pa at iyon nalang ang basahin mo kesa manginis ka sa'kin." inis kung sabi sakanya. Natahimik naman siya dahil sa sinabi ko kaya para akong na konsensya dahil sa sinabi ko sakanya pero kasi...Tinanggal niya ang kanyang kamay sa loob ng damit ko at walang pasabi-sabing tumayo atsaka umalis.

"Hey, are you angry?" kunot noong tanong ko.

"I don't want to talk to you so don't talk to me." he said coldly. Huh? So, nagalit nga siya. Napatay ko ang TV ng wala sa oras at napatitig sa popcorn na hawak ko. Napahilot nalang ako sa aking sentido.

"Shit! 'Kala ko ba ako ang naiinis dito pero bakit ako ang manunuyo ngayon ng sira ulo." hindi makapaniwalang sabi ko sa aking sarili habang may hindi makapaniwalang mukha.

Agad kung isinantabi ang popcorn at inilagay sa table atsaka tumayo at sinundan ang pinuntahan niya. Dumiretso ako sa working office niya and I knocked three times at the door.

"Magnus buksan mo!" sigaw ko mula sa labas. But, it's completely silence kaya hinawakan ko ang doorknob at unti-unting binuksan ang pintuan. Sinilip ko ang loob but it's completely clean and it doesn't have any traces of him kaya ibinalik ko nalang sa pagsara ang pintuan. My next destination is in his room, I knocked three times and when silence answers me I wasted no time and immediately holds the doorknob and open the door and there I saw him.

Nakatalukbong ito ng kumot tanghali na tanghali hindi ba siya naiinitan. Pumasok ako sa loob ng kwarto niya at isinara ang pintuan.

"Are you angry?" tanong ko. He didn't answer. I can't see his face or his reaction 'cause he's covered with blanket all over his body. Nilapitan ko siya at umupo sa kama katabi lang niya.

The Host (Boy's Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon