Chapter 34: (Season 1)

707 16 4
                                    

Jeremy POV

Nagising ako ng may mahinang tumapik sa braso ko. Binuksan ko ang aking mga mata at mukha ni Magnus ang bumungad.

"We're already here in Japan."  pagkatapos niya'ng sabihin iyon ay tila nagising ng tuluyan ang kaluluwa ko. Japan? Seryoso?

"Hala! Kanina mo pa ba ako ginising?" tarantang tanong ko at napatayo pa saka nilibot ang tingin. Mukhang kami nalang 'ata ang nandito sa loob dahil wala nang pasahero pati ang mga bagahe nila.

"It's fine. Try to relax." sabi niya sa may mahinahon na boses.

"Anong fine doon? Tayo nalang ang natira dito what if masarhan tayo dito. Hala sige! Tayo na diyan at nang makaalis na tayo rito." sunod-sunod kung sabi at akmang aabutin ko ang bagahe pero pinigilan ako ni Magnus.

"Relax okay. I'm the owner of this plane so rest assured." he calmly said kaya agad akong natigilan at napalingon sakanya.

"A-Anong sabi mo?" pang uulit ko. Ngumiti siya at kinuha ang bagahe sa may itaas na banda ng ulo ko pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko at naglakad kami papalabas.

"I said, I am the owner of this plane so rest assured." pang-uulit niya sa kanyang sinabi. Napatawa naman ako ng hilaw. Lahat nalang ba ng nasa paligid niya pag aari niya. Puta! Nakalimutan ko yata na isang Zachary ang kahawak kamay ko ngayon.

Habang naglalakad kami papalabas ng eroplano ay wala na masyadong tao. Tinignan ko ang wrist watch ko and it's already ten in the evening. Lumapit kami sa isang Limousine na sasakyan at doon kami pumasok.

"Bring us to the hotel that I'm saying." sabi ni Magnus kaya tumango lamang ang driver.

"Gaano ka ba talaga ka-yaman?" tanong ko at nilingon siya.

"Rich enough to give your wants in this world." sagot niya at nag smirk lang sa akin.

"I mean can you name all the business that you've been holding?" dagdag ko pang tanong. Niluwagan niya ang necktie na kanyang sout pagkuway lumingon sa akin.

"I own Hotels, Resorts, Airlines, the MZ Company, and you." sagot niya atsaka kumindat namula naman ako dahil sa sa huling salita na sinabi niya. Ang bilis ko nalang kiligin ngayon!

"Grabe ang yaman mo naman pala sobra." tanging nasabi ko at niluwagan rin ang necktie na sout ko.

"That's true. So name what you want, I will give it to you." balewalang sabi niya. Napalunok naman ako dahil sa binitawan niyang salita. Pero may naisip ulit ako.

"What if gusto ko ng mansion?" tanong ko at nilingon siya. He only laughed.

"I can give an island to you if you want." natameme naman ako sa sinagot niya. Tumikhim ulit ako.

"I crave of 1 billion dollars. Can you give it to me?" dagdag ko pa ulit. I mean—half true, half joke iyon. Lalo na't gipit talaga ako ngayon dahil hindi pa ako nakapag bayad ng kuryente atsaka tubig.

"That's to small. How about ten billion?" natahimik ako sa sagot niya. Edi wow! Siya na talaga mayaman..Hindi naman siguro halata na may pagkamayabang ang pagkakasagot niya sa akin.

"Sabi ko nga mayaman ka talaga." tanging sabi ko nalang at tumingin sa labas ng bintana. Tahimik ang naghahari sa loob ng sasakyan ng bigla itong basagin ni Magnus.

"By the way, I just noticed..." panimula niya. Napalingon naman ako sakanya.

"Ang ano?" tanong ko sabay taas ng kilay. Lumapit siya sa kinaroroonan ko.

The Host (Boy's Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon