Chapter 39: Begging

163 12 3
                                    


Xean's POV

On the second thought, iuuwi ko na lang ang mga bulaklak. Ayokong makita ni Marky ang mga 'yun kapag pumunta na naman siya rito nang walang pasabi, Para akong baliw na nakangiting nakaasid sa mga bulaklak ng Astilbe. Nagbalik na nga talaga ang mga alaala niya. Napailing ako at ipinagpatuloy ang trabaho ko ngunit bigla-bigla na lang pumapasok sa aking isipan si Marky. Ang pogi niya pa rin; his lips still tasted of apples. Napatingin ako sa labas ng bintana.

"Attorney Oh!" may tumawag sabay bukas ng pinto. Napatingin naman ako; si Franciz.

"Usong kumatok," komento ko.

"Ah," utal niya bago nga lumabas at kumatok. "Attorney Oh!"

"Come in," wika ko. "Anong meron?"

"Makiki-tsismis."

"Walang tsismis, Franciz," tugon ko.

"Wala nga ba?" tanong niya sabay tingin sa mga bulaklaka sa mesa ko. "Akala ko ba hindi mo kailangan ng mga bulaklak.?"

"Hindi ba puwedeng magpalit ng isip?" tanong ko pabalik.

"Anyway, may balita pala ako sa'yo. This weekend, may teambuilding tayo."

"I see."

"And puwede kang magsama ng isa."

"Sino namang isasama ko?"

"Si Doc David, duh."

"Eh, ikaw ba? Sino ba balak mong dalhin?"

"Hindi ko sigurado pero for sure na may pa-games 'yun at may prize money. Kailangan ko ng malakas na braso para buhatin ako sa mga palaro."

"Saan ka naman kukuha?"

"Sa Itaewon. Attorney Oh, samahan mo ako."

"Bakit kailangan pa kitang samahan?" tanong ko. "May sarili akong ibon na kailangang alagaan."

"Sino sa kanila? Yung original ibon ba? O yung baong ibon?"

"Malamang 'yung bago," tugon ko.

"Asus," saad niya sabay tawa. "Tara na sa Itaewon. Isama mo si Doc David."

"Ganoon ka ba talaga kadesperadong makahanap ng maisasama sa teambuilding?"

"Hindi. Gusto lang talaga uminom. Isa pa, hindi ka ba na-stress dahil narito na ang original ibon?"

"Medyo," sagot ko.

"Tara na!"

"Sige pero hindi sa Itaewon."

"Saan?"

"Sa Gangnam."

"Ha? Bakit doon?"

"May gusto lang akong bisitahin."

"Marami bang ibon doon?" Napangiti lang naman ako bago tumango. "Sige. Dadaan ako mamaya."

"Magtrabago na tayo."

Pinanood ko siyang lumabas bago ko ipinagpatuloy ang aking ginagawa. Pagkalipas ng ilang oras ay natapos na rin ang trabaho ko para sa araw na ito. Nagsimula akong magligpit ng mga gamit. I sent David a message na pupunta kami ni Franciz sa Gangnam. He replied that he will go after clinic hours. Hinid naman nagtagal ay bumukas ang pinto.

"Attorney Oh!" bungad ni Hyeri pagkapaok niya. "Narinig ko kay Hajoon na pupunta kayo ng Gangnam. Puwede kaming sumama?"

"Sige," pagpayag ko. I've already expected that they'll come. "Tara na."

"Nasa lobby na ang iba."

"I see."

Dumeretso kami sa lobby kung saan naghihintay ang iba.

Our Days (Written in the Stars Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon