Final Chapter

204 11 4
                                    


Xean's POV

"Xean-hyeong!" pagtawag ni Steve nang makita ako. "Join us."

"Sure."

"Nakapagkita na ba kayo ni Marky?" tanong ni Addie nang tumabi ako sa kanya.

"Oo," tugon ko. Pinanood ko siyang Salinan ang isang wine glass ng rose. "Pero hindi naman kami nakapag-usap nang maayos."

"O, bakit naman?" nagtataka niyang tanong sabay abot sa akin ng wine.

"Ayun, nagpakalasing ang Kuya mo tapos nag-drama," kuwento ko. "Turn ko na mag-drama tapos tinulugan ako."

Natawa naman siya sa kuwento ko.

"So, hyeong. Are you already going back to the Philippines?" tanong naman ni Steve. Umiling ako bilang sagot.

"I want to but I can't. I still have a contract under Superstar Entertainment. I'm planning to finish it first."

"You know, you can just go, Hyeong."

"I know. But a contract is a contract. It would be bad for my records if I just quit. One more thing, I can't easily transfer Xian. It's better for him to finish his school year in Seoul."

"I see."

"Problema ko rin kung saan kami titira kung biglaan kaming uuwi. Naibenta ko na 'yung bahay namin."

"Marami akong kilalang Real Estate Agents, Mars. Matutulungan kita."

"Salamat, Addie."

"Masaya kong babalik na kayo sa dati ni Marky."

Napangiti naman ako at tumango. "Akala ko rin ay wala nang pag-asang babalik pa ang mga alaala ni Marky."

"Tonight, let's celebrate," anunsyo ni Steve sabay angat ng hawak niyang baso ng alak. "Gonbae (Cheers)!

"Gonbae!" tugon namin sabay angat din sa hawak-hawak naming mga inumin. Dahil nga siguro sa nararamdaman kong saya ay medyo naparami ako ng nainom. Sunod-sunod kasi ang pag-alok ng mag-asawa. Bagay nga sila; they have something in common.

When I felt that I'm on my limt, nagpaalam na ako sa kanila I don't wanna pass out anywhere.

Nakakahiya.

Nakita ko namang nagkakasiyahan ang iba pero hindi ko makita si David. Lumapit naman ako kina Franciz.

"Franciz," pagtawag ko. "Nasaan si David?" nagtataka kong tanong.

"Kaaalis. Nagpaalam na magpapahinga na," tugon niya. "Medyo naparami na rin ng ininom na soju."

"Ganun ba? Magpapahinga na rin ako. Marami na rin akong nainom."

"Sige."

Mag-enjoy lang kayo diyan.," bilin ko sa kanila bago tinahak ang daan patungo sa hotel room namin ni Franciz. Gusto ko sanang matulog sa tabi ni Marky pero tinatamad na akong bumalik sa silid niya at mas malapit ang sa amin ni Franciz. Dumeretso ako sa aking kama nang makapasok sa hotel room. Ramdam ko ang pag-ikot ng aking paningin. Dala ng kasalingan ay kaagad akong nakatulog.

IMINULAT ko ang aking mga mata nang maramdaman ang liwanag sa aking mga mata. Kaagad kong naramdaman ang sakit ng ulo ko dala ng hangover. Napatingin ako sa orasan; it's already past nine am. Napatingin ako sa kabilang kama; wala si Franciz.

Nasaan kaya 'yon? Pinilit kong umupo at hinanap ang phone ko. Kaagad ko namang napagtanto na hindi ako nakapagpalit ng damit at nasa bulsa ng aking pantalon ang hinahanap ko. Kinuha ko naman 'yun at kaagad nakita ang notifications. Wala namang ibang kakaiba maliban na lamang sa isang message request na aking binuksan. Galing kay Marky.

Our Days (Written in the Stars Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon