Chapter 22: Arrival

150 9 1
                                    


Xean's POV

"Anak, mag-iingat kayo ng apo ko roon, ha?" bilin ng aking ina. Kasalukuyan kaming nasa Departure Area ng NAIA Terminal 2.

"Huwag kang mag-alala, Ma," tugon ko. "Magiging maayos ang lahat. Babalik kami sa tamang panahon. Tatawag-tawag din naman ako."

"Anong oras ang flight niyo?"

"May apat na oras pa kami bago ang boarding. Nakapag-check in naman na kami. Tatapusin na namin ang imiigration kapag dumating na ang iba."

"Sinong iba?"

"Hyeong!" pagtawag ng isang pamilyar na boses. Napatingin naman kami. Si Steve kasama si Addie at ang kanilang kambal. "Good thing we made it."

"I will be upset if you don't," ang tukso ko.

"Mianhae, hyeong. I've already told Heechul-hyeong about your schedule. They will be waiting at Incheon International Airport."

"How would I know who your brother is?" tanong ko.

"You would know," singit naman ni Addie. "Magkahawig na magkahawig sila."

"Talaga ba? Single ba?"

"Unfortunately, meron nang jusawa at may junakis na rin."

"Sayang," wika ko sabay tawa. "Anyway, I think we need to undergo immigration already," wika ko. "Bakamatagalan kami."

"Take care, Hyeong," bilin ni Steve. "Send us a message when you arrive."

"I will," nakangiti kong sagot. "Bebe Xian, let's go."

Papaalis na sana kami nang may humabol na dumating; ang mga magulang ni Marky.

"Ma! Pa!" tuwang-tuwa kong pagsalubong sa kanila sabay yakap. "Akala ko hindi ko na kayo makikita bago kami umalis ni Xian."

"Pasensya na, anak," paghingi naman ni Mama ng paumanhin. "Na-traffic kasi kami. Akala nga rin namin ay hindi kami makakaabot."

"Pero narito kayo at yun ang mahalaga," tugon ko. "Maraming salamat po."

"Nakalimot si Marky pero kami hindi. Sa aming mga mata, ikaw pa rin ang aming son-in-law," saad ni Papa. Ngumiti naman ako. "Pero Xean, ayaw sana namin na bumayahe ka na mabigat ang iyong damdamin. Pero may gusto sana kaming ipaalam sa'yo."

"Ano ho ba 'yun? Sa totoo lang ay mabigat na ang pakiramdam ko sa paglisan namin ni Xian. Hindi naman na siguro ako mas malulungkot pa sa kung ano man ang susunod niyong sasabihin."

Napatingin naman si Papa kay Mama na may hinugot mula sa kanyang suot na shoulder bag. Inabot naman niya sa akin ang isang maliit na envelope. "Anak, sa eroplano mo na buksan at tingnan."

"Sige, Ma... Well, then. We'll go ahead baka matagalan kami sa immigration. We don't want to miss our flight," paalam ko. "Xian, say goodbye na."

"Ba-bye!" paalam ni Xian. Isa-isa naman kaming linapitan at yinakap.

"Flying kiss na Xian," bilin ko.

"Muwah!" Ginawa nga ng bata ang flying kiss bago kami pumila sa immigration. After the interview, nagtungo kami sa departure area. We stayed in one of the lounges there since I availed first class air tickets. Pagkalipas ng ilang oras ng paghihintay ay narinig na namin ang boarding announcement. Kinuha ko ang bag ko at hinawakan ang kamay ni Xian. Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa panibagong yugto ng aming mga buhay.

"Anak, sleep ka muna," bilin ko before tucking him to bed. Nasa himpapawid na kami nang maalala ko ang envelope na ibinigay sa akin ni Mama. Kinuha ko naman 'yun at hinugot ang laman, isang liham mula sa kanila. They are wishing all the best for us; to find happiness at huwag nang hintayin ang pagbabalik ni Marky.

Our Days (Written in the Stars Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon