Chapter 40: Panda

150 9 2
                                    


Marky's POV

Pagkatapos ng aking nasaksihan, hindi ko alam kung anong iisipin. It was just a peck on the cheek but it hurt like hell. Ngayon ko napagtanto kung gaano ko siya nasaktan nang makita niya kami ni Natalia. Gusto kong bumawi pero hindi ko alam kung paano. Bumalik ako sa loob at snaupo sa tabi ng katrabaho ni Xean na si Franciz. Sumunod naman itong David at kinausap sila. Mukhang nagpaalam na. Sinundan ko siya ng tingin palabas ng restaubar. It's still a wonder for me kung bakit siya nagustuhan ng asawa ko.

"Are you going too?" tanong ko sa kanila.

"Too early," tugon ni Jaebeom.

"Drink up. It's on me," wika ko.

"Nice!"

"Thank you, Marky-oppa!" pasasalamat ni Hyeri.

"Marky," pagtawag ni Franciz. "Talaga bang gusto mong balikan si Attorney Oh?"

"Kaya nga ako narito. Gusto kong maniwala na hindi pa huli ang lahat para sa aming dalawa. Gagawin ko ang lahat para lang bumalik siya sa akin."

"Lahat?" tanong niya. Tumango naman ako.

"Hubad," utos niya.

"Ha?" gulat kong reaksyon. "Sige."

Huhubarin ko na sana ang suot kong Tshirt nang pigilan niya ako. "Nagbibiro lang ako," wika niya sabay tawa.

"I know this is the first time that I have met all of you," wika ko. "But I want to ask for help. I won't give up on him and our son."

"Omo," saad ni Hyeri. "So sweet. I'll help you!"

"Ya! Nam Hyeri!" pagtawag sa kanya ni Jaebeom. Nagsimula naman silang magtalo.

"Subtitles, please," wika ko dahil wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi nila.

"Pro-David si Jaebeom, kampi naman sa'yo si Hyeri," paliwanag naman ni Franciz.

"Kanino ka kampi?" tanong ko.

"Well. Magpapakahirap pa ba ako? The more, the merrier! Mamimili pa ba ako kung puwede namang both."

"I'm possessive. Ayoko ng may kahati."

"Anyway, naggi-gym ka ba?"

"Yea, why?"

"Pa-check nga ng braso."

Pinakita ko naman ang braso ko.

"Pasok na pasok," komento niya. "May abs?"

"Yan ang paboritong parte ni Xean sa katawan ko. Ah, may isa pa pala pero nonetheless, you need his permission."

"Damot. May teambuilding kami sa weekend and puwede kaming magsama ng isa. Naghahanap ako ng ibon na puwede akong buhatin."

"Anong klaseng buhat?"

"May mga palaro kasi at kailangan kong manalo dahil may mga prize." Napaisip naman ako. "Pagkakataon mong mapalapit kay Xean dahil naroon din naman siya. Isa pa, isasama niya si David."

"What?!"

"Hindi naman kita pinipilit. Kung gusto mo lang naman."

"S-sasama ako," tugon ko.

"Nice. Maghanda ka na rin ng pang-swimming sa isang resort tayo pupunta."

"Sige."

Pagkalipas ng mahigit isang oras ay napagdesisyunan nilang umuwi na rin. I stayed for a bit more and finished my glass of whiskey. I left the bar and went home to Taemin's apartment.

Our Days (Written in the Stars Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon