Chapter 36: It's a Plan

166 9 9
                                    


Xean's POV

Naupo sa tabi ko si David pagkatapos niyang ma-checkup si Juyeon.

"How is he?" tanong ko.

"Well, he's getting better and better," tugon niya. Napatingin ako sa phone ko nang tumunog ito. I picked it up and saw a message from Maja Root.

"Marky booked a ticket to Seoul. He will be leaving in a few hours."

Nanlaki ang mga mata ko sa aking nabasa. Bakit?

"With Natalia?" tanong ko.

"I'm afraid not," tugon niya. "He booked for one person. I checked hi location when he booked the ticket. Nasa Laguna siya."

"Laguna?" Isa lang ang ibig sabihin nito. "Anyway, thank you for the info."

Napabuntonghininga ako bago tinawagan si Steve.

"Xean-hyeong!" wika ni Steve nang magpakita ang kanyang mukha sa screen. "You called. Did you miss me?"

"Yes, of course. Where's Addie?"

"Mars, narito ako. Napatawag ka? May problema ba?"

"Wala naman pero parang may kailangan yata kayong sabihin sa akin," indirekta kong sinabi.

"H-ha? W-wala naman."

"Adriana Vera Lopez-Park, Park Jaewon," seryoso kong pagbanggit sa pangalan nila. "I'm giving you another chance to tell me what you did. Or else, hindi ko na rin kayo kakausapan pang ulit."

Nagsimula naman silang sabay na magsalita. Si Addie gamit ang Tagalog samantalang si Steve gamit ang Korean.

"Stop," utos ko gamit ang wikang Ingles. Sabay naman silang natigilan sa pagsasalita.

"Yes, Sir," sabay nilang tugon.

"Nasabi namain kay Marky kung nasaan kayo ni Xian," paliwanag ni Steve.

"At bakit niyo sinabi sa kanya?" tanong ko; still having that neutral tone. I want to know why.

"Bumalik na ang mga alaala niya."

"Hindi tayo sigurado diyan," argymento ko. "Paano kung sinabi niya lang 'yun para mahanap kami?"

"Hyeong, alam niya ang tungkol sa RnJ at ang pagiging Hired Husband ko."

Napaisip ako. Tanging mga agents lang ng Rnj Husband Services ang nakakaalam tungkol sa amin at s ahusband profile na binigay namin sa mga Hired Husband tulad ni Steve. So, I suppose nagbalik na nga ang mga ala-ala ni Marky. Still, it doesn't mean na nagbalik pa rin ang pagmamahal niya para sa akin at para kay Xian.

"Sorry, Mars. Gusto mo bang ulit umalis? Hindi naman namin nasabi kung saan ka nakatira ngayon."

"Hindi na," tugon ko. "Siguro nga, oras na para muli kaming mag-usap. I need to hang up. Kailangan kong mag-isip. Isa pa... subukan niyo ulit talagang pagtaguan ako."

"Sorry na, Mars. Paano mo nalaman na papunta diyan si Marky?"

"Marami akong koneksyon, Addie," paalala ko sa kanya. "Anyway, I'll call again."

"Sure, Mars."

"Take care, hyeong."

Wala akong ibang magawa kundi ang bumuga ng malalim na hininga. I don't know how to take everything.

"What's the matter? You seem agitated?" nagtatakang tanong ni David.

"My husband is on his way here," balita ko.

Our Days (Written in the Stars Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon