Chapter 34: I Remember

192 12 4
                                    

Marky's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Marky's POV

Ito ang nakalagay sa kahon. RnJ Services? Naaalala ko ang gusaling 'yun. Doon nagta-trabaho si Aljon. Binuksan ko ang kahon. May mga bagay sa loob ng kahon. May mga family picture namin ni Xean at Xian. May dalawang sticky note. Baby Apple Lips at MarXean Poreber ang mga nakasulat.

Natigilan ako nang may makitang CD case. Binuksan ko yun at nakitang may dalawang CD itong laman. Binitbit ko ang case papunta sa sala, at binuksan ang VCD player. I inserted the first CD player. The video started with a clip of the ocean waves hitting the shore followed by a romantic acoustic music, Crazier by Taylor Swift but it was sang by a male.

"Xean," rinig ko ang aking tinig. ""Kahit saan ka man magpunta, lagi kitang sasamahan. Gaya ng mga bulaklak ng astilbe, pangako kong palagi akong maghihintay sa boses mo. Kapag bumuhos ang ulan, kapag umihip ang hangin, kapag nagkalat ang mga tayutot ng mga bulaklak, kapag ang anino ay unti-unting mawala. Lagi pa rin akong nandito."

Nakita ko ang sarili kong nagsasalita habang nakatitig kay Xean. It's indeed a recording of my marriage with Xean. I could see myself deeply in love with him.

""Marky..." Ngayon naman ay si Xean ang nagsasalita. "Wala na akong ibang dahilan para lumayo. I found my home in you. Kung saan man ako dalhin ng buhay, I would always come back to you. I would always search for you. You are my comfort, my safe zone."

Pinanood ko ang mga taong dumalo. Everyone of them look familiar. The wedding video ended with us holding hands while walking by the beach. Kapwa kami nakasuot ng suit. His has this big shiny embroided patch at the back. Hindi ko alam kung bakit but I started to tear up. Sunod ko namang pinanood ang isa pang CD.

"Daddy!" Kaagad na bumungad ang mukha ni Xian sa screen.

"Bebe Xian, pano 'yung turo sa'yo ni Daddy?" tanong ko sa video.

"Yes, yo! Yes, yes, yo!" wika ni Xian sabay kumpas ng kanyang kamay sa hangin na tila ba isang rapper.

"Galing ng bebe Xian ko. Lika ka nga rito, hug mo si Daddy." Lumapit naman siya at yinakap ako. The camera shifted to us. "Sino mas love mo? Ako o si Mama?"

"Si Mama," tugon niya

"Ha? Hindi ako? Bakit naman?"

"Kasi papaluin ako ni Mama kapag di ko siya love."

"Takot ka kay Mama?"

"Love ko si Mama. At ikaw Daddy."

Para akong baliw na nakangiting umiiyak. May ilan pang clips na nag-play until a video clip of me and Xean played. Naglalambingan kami sa video; it's obvious na si Xian ang may hawak ng camera because of the shakiness of the video.

"Boss Cold Coffee, I love you," wika ko kay Xean sa video.

"I love you too, Baby Apple Lips."

Nagsimulang kumirot ang ulo ko. Napapikit ako at napaungol nang maramdam nang patindi nang patindi ang kirot na aking naramdaman hanggang sa napaluhod ako sa sahig.

Montage of scenes of me, Xean, and Xian within the past six years started to play in my mind like they were in a fast forward.

"Mahal!" pagtawag ni Xean mula sa malayo. "Baby Apple Lips! Marky! Marky!"

"Marky!"

Iminulat ko ang aking mga mata. Kaagad kong nakita ang mukha ni Natalia. "Babe, okay ka lang?" tanong niya sa akin. Kaagad naman akong napaupo. "Babe?"

"Don't touch me," wika ko bago siya itinulak palayo. "Did you already have your fun? Huh?"

"M-Marky."

"Natalia, naaalala ko na ang lahat!" sigaw ko. My anger started to boil up. "Sa pangalawang pagkakataon, sinira mo na naman ang buhay ko!"

"Nagawa ko lang naman 'yun dahil mahal pa rin kita."

"Mahal? Mahal mo ako? Pero nagagawa mo akong saktan at ang mga tao sa paligid ko?" argyumento ko. "Ilang beses na kitang pinatawad but enough is enough!"

Madalian akong tumayo. "Marky, ako na lang ulit. Wala na sila Xean."

"Hahanapin ko ang mag-ina ko," wika ko. "Kahit na iisa-isahin ko ang bawat lugar at bansa sa mundo. Hahanapin ko sila. Mahal na mahal ko si Xean. Siya ang mundo ko at siya lang ang pipiliin kong pakasalan nang paulit-ulit. At nagpapasalamat ako na hindi kita pinakasalan; mas lalo akong nagpapasalamat na hindi pa rin kita napakasalan despite of having amnesia.

I really wanted to kill you right now. Pero mas mahalaga ang magiging future ko kasama ang mga taong mahal ko. Pasalamat ka, babae ka because I really want to punch you. Im leaving."

Pumasok ako ng kuwarto at nagsimulang mag-impake ng mga gamit ko. I need to leave this god damn place. Pabalik-balik ako sa sasakyan just to load my things. Ilang beses ko ring pinagtulakan palayo si Natalia dahil pilit niya akong pinipigilang umalis.

"Tigilan mo na ako, Natalia!" bulyaw ko. "You don't deserve me or anyone. I hope you you grow old alone and bitter. Hahanapin ko sila Xean at Xian and we'll grow old together."

Mabilisan naman akong pumasok ng sasakyan at nagmaneho palayo.

"Marky! Pleasem don't leave me again!" pakiusap ni Natalia ngunit hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, kung saan ko hahanapin sila Xean at Xian. I decided to go to my parents' house. Pagkababa ko ng sasakyan ay kaagad akong nag-doorbell. Paulit-ulit ko 'yung pinindot. I just want to see everyone.

Hindi nagtagal ay nagbukas ang pinto. "M-Marky?" gulat na reaksyon ni Mama, nasa likuran niya lang si Papa.

"Ma," pagtawag ko sabay yakap sa kanya.

"A-anong problema?"

"Ma, pasensya. Hindi ko sinasadya," ang paghingi ko ng paumanhin. Nabulag ako sa mga kasinulingan ni Natalia.

"Anak, i-ibig sabihin ba nito ay nakakaalala ka na?" tanong niya sa akin.

"Oo, Mama," tugon ko. "Naaalala ko na ang lahat."

Nagsimula akong lumuha. "Naaalala ko na kung gaano ko kamahal si Xean at Xian. Ma, kailangan ko silang mahanap."

"Pumasok ka na muna," bilin niya. She guided me to the sofa.

"Anak, totoo bang nagbalik na ang mga alala mo?" tanong ni Papa.

"Yes, Pa," pagkumpirma ko. "Ma... Pa... nasaana n mga-ina ko? Gusto ko na silang makasama."

Napatingin naman sila sa isa't-isa bago muling tumingin sa akin. "Ang totoo niyan; hindi rin namin alam. Umalis na lang si Xean at Xian na hindi nagsasabi kung saan sila pumunta."

"Ang alam namin ay nangibang bansa sila dahil pinuntahan pa namin sila sa airport," dagdag ni Papa.

"Ah, naaalala ko. Hinatid din sila ng Ninong at Ninang ni Xian."

"Sino?"

"Si Addie at yung asawa niyang Koreyano."

"Si Steve?! Anong oras na?"

"Mag-aalas tres na. Bakit?"

Kaagad naman akong tumayo.

"Saan ka pupunta?"

"Sa Montecillo. Kailangan kong makausap si Addie o si Steve."

Our Days (Written in the Stars Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon