Chapter 33: A Time for Truth

172 11 6
                                    


Xean's POV

"A-anong ginagawa mo rito?" tanong niya.

"Namimili?" hindi ko siguradong tugon.

"I mean dito sa Seoul," paglilinaw niya.

"Ang totoo niyan, dito na ko nakatira."

"Since when?"

"More or less, one year."

"Nasaan nga pala si Marky? Bakit hindi mo siya kasama?"

"Matagal na rin kaming... hiwalay."

"Oh, that's unfortunate. Sorry."

"Anyway, kamusta ka na?" tanong ko. I don't want to talk about Marky.

"I'm doing fine with my wife and children."

I smiled and nodded. "Good to here."

"Xean, hindi pa ako nakakahingi ng paumanhin sa mga bagay na nagawa ko sa'yo."

"Napatawad na kita, matagal na," tugon ko. "And alam kong masaya ka na; 'yun lang naman ang importante. "I realized how much we were not meant to be years after we have broken up. In one way or another, thankful din ako na nagkahiwalay tayo."

"I don't know how I should take that."

"Take it in a positive way. You're just like a shark, territorial, and strong. You can't conquer the ocean when you're with me. Masaya na ako sa piling ng anak ko." Kapwa naman kami napatingin sa mga batang kasama ko. "Anyway, it was nice seeing you again, Lucas."

"Y-yeah. Ah, Xean. Can I invite you out some time?"

"Sure," pagpayag ko bago binigay ang Kakaotalk ID ko. "Ikamusta mo na lang din ako kay Sarah."

"Will do," tugon niya. "Take care, then."

Pinanood ko naman siyang umalis. Tumingin ako kila Xian at Phyrrus na kasalukiyang nagtatalo kung anong klaseng potato chips ang ilalagay nila sa cart. "Ilagay niyo na lang 'yang dalawa," singit ko para magtigil na ang dalawa. It was a bad idea taking the both of them here. It was pure chaos. Kung anu-anong pinapabili nila sa akin. Most of the time, hini-hindian ko sila at pinapaliwanag kung bakit. They can only take what they can eat.

Kalalabas namin ng supermarket nang natigilan si Xian at napatitig sa mga cake na naka-display sa isang stand. "Appa," pagtawag niya sa akin. "Can we buy cake?" tanong niya. "Birthday kasi ni Daddy ngayon."

"Okay," pagpayag ko.

"Appa, 'yung strawberry," pahabol niya. "Tapos candles."

Sumunod na lang at hindi na nakipagtalo. After all, mahalaga pa rin si Marky kay Xian at naiintindihan ko na matatagalan pa bago niya lubos maintindihan at matanggap na hindi na kami babalik sa buhay mi Marky.

Nalulungkot ako para sa kanya pero wala akong ibang magagawa. All I can do is just to be beside him all the time. Nang makabili ng cake ay dumeretso kami na kami sa bahay. Tinulungan ko ang mga kasambahay sa paghanda ng pagkain. Nang dumating si David ay nagsalo-salo kami sa dining room.

"Anong okasyon?" nagtatakang tanong ni David nang makita ang cake sa mesa.

"Kaarawan ng Daddy ni Xian," tugon ko.

"Hindi ko alam na pinagdiriwang niyo pa rin ang araw na 'to," komento niya.

"Wala akong ibang magagawa; ito ang gusto ni Sechan," tugon ko. "Pinagbigyan ko na lang siya."

"Appa," pagtawag ni Xian. "Can we sing na for Daddy? Video mo ako tapos send mo ulit kay Daddy."

"Sige," pagpayag ko para matapos na. I lighted the candles and started to record.

Our Days (Written in the Stars Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon