Chapter 45: Your Love

174 8 1
                                    


Xean's POV

"Everyone," pagtawag ni Ryan sa aming atensyon. Natigilan naman ang lahat sa kanya. "Alam kong alam niyong hindi pa tayo tapos at wala pa tayong opisyal na nananalo. Sisimulan na rin natin ang panghuling aktibidad natin ngayong gabi. Ang talent contest."

Napapalakpak naman ang mga kasama namin. Excited na nga sila para sa contest.

"Doc Taewook, sasali ka ba?" tanong ni Jaebeom.

"Ha?" gulat niyang reaksyon. "Puwede naman."

"Isali rin natin ang asawa mo, Attorney Oh!" dagdag pa ni Jaebeom.

"Huwag na! Walang talent 'yun," komento ko.

"Mas okay!" tugon niya. "Mas malaki ang pagkakataong matalo natin sila. Bawi na lang tayo sa talent contest."

"Huwag niyo na siyang pagtuunan ng pansin."

"Asus, concern siya," tukso ni Hyeri. Hindi namin namalayan na lumapit sa amin ang grupo nila Franciz. Nasa pinakalikuran si Marky. "Ayaw mapahiya ang original na ibon."

"Hindi sa ganun, Hyeri," wika ko. "Teka, bakit ba narito kayo?"

"Gusto lang namin kayong kamustahin," wika ni Franciz. "Bago namin kayo ilampaso sa talent contest."

"Hajoon, huwag ka munang magsalita nang patapos," komento ni Jaebeom. "Baka naman natatakot kayo kasi sasali si Doc Taewook sa amin. Bakit hindi niyo pasalihin ang orihinal na ibon ni Attorney Oh?"

"Sinabi ko na ngang hindi," saad ko. "Isa pa, itigil niyo nga ang pagtawag sa kanila ng ibon."

"Attorney Oh, nasa tabi mo lang 'yung kasulukuyan mong dine-date," komento ni Franciz. "Bakit concern na concern ka sa past mo?" tanong niya ngunit batid ko ang panunukso niya sa likod ng kanyang mga salita.

"Fine. Hindi na ako mangingialam," pagsuko ko. Basta ginawa ko ang parte ko para s agrupo namin.

"Marky-oppa," pagtawag ni Hyeri sa kanya.

"Oppa?!" malakas kong paguulit. Napatingin naman sila sa akin. "Ajussi dapat tawag mo diyan. Matanda na yan; humaharot pa rin."

"Gigil yarn?" tukso ni Franciz kaya naman napaiwas ako ng tingin.

"Anyway, you want to join the talent contest?" tanong ni Hyeri kay Marky.

"Sure," tugon ni Marky sabay ngiti. Tinawag lang oppah tuwang-tuwa ang mokong. Kinindatan naman niya ako nang mahuling nakatitig ako sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay bago napaikot ng mga mata.

"Osiya, mamaya na lang ulit tayo mag-usap," wika ni Franciz. "Pagkatapos niyong matalo."

Pinanood namin silang pumunta sa mesa nila. "Napaka-competetive talaga nitong si Franciz."

"Sinabi mo pa," pagsang-ayon ni Jaebeom.

"Magsisimula na tayo," anunsyo ni Ryan. "Sa mga kasali bumunot kayo ng numero." Tumayo nga sila at pumila sa harapan. Bawat isa sa kanila ay bumunot ng papel mula sa isang fish bowl bago bumalik sa kanilang mga upuan. "For this day, nag-imbita ako ng mga espesyal na panauhin upang magsilbing hurado."

Isa-isa nga niyang pinakilala ang mga taong tinutukoy niya; ang kanyang asawa, si Steve at si Addie. Hindi ko iaasahan na nagtungo pala ang mag-asawa dito sa Korea.

"Mars!" pagtawag ko sabay lapit kay Addie.

"Mars!" tugon naman niya bago kami magbeso-beso. "In fairness, blooming ka. Hiyang mo ang tubig dito sa Korea. O baka naman dahil narito rin si Marky?"

Our Days (Written in the Stars Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon