Special Chapter: The Fearless Leader

225 8 5
                                    


Xean's POV

"Xian, anak," pagtawag ko sabay katok sa pinto ng silid niya. Labing-apat na taon na ang lumipas. Bumalik kami ni Xian sa Pilipinas pagkatapos ng isang taon at tumira sa binili naming bahay ni Marky, a modern two-storey modern house in Forbes. Sobrang laking tulong ng mga kilala ni Addie na real estate agents kaya naman mabilis kaming nakabili ng bahay. I focused on my investments sa iba't-ibang negosyo; most of them owned by my friends from RnJ. Nagtrabaho ako sa Ad Astra Law Firm; ang law firm na mina-manage ni Marky. It started small but it became the biggest law firm in the Philippines. Nang magbukas naman ag Regional Trial Court ng opening for judges ay nagsumite agad ako ng requirements. Lucky, I became an RTC judge. Hanggang ngayon ay nagtatrabaho pa rin ako doon.

Bumalik si Xian sa Montecillo. Doon siya nag-aral ng junior High School, Senior High at ngayon sa University. Laking gulat nga namin ni Marky nang malaman namin na gustong mag-aral ni Xian ng Political Science. Balak pa nitong mag-Law pagkatapos. Nasabihan namin siya na suporta kami kahit na ano pang kurso ang kanyang piliin. Hindi niya kailangang maging abogado tulad namin ni Marky kung hindi 'yon ang gusto niya. Simula rin nang pagkabalik namin sa Pilipinas ay hindi na niya ako binigyan pa ng sakit ng ulo.

He continued to be a straight A student. Naging Veledictorian ba sa mga pinasukan niya with special awards. Wala na siyang ibang ginawa kundi ang mag-aral. His circle of friends is also small; mostly overachievers like him. Kahit nga crushes ay wala siyang naikekewento.

"Anak, gumi—" Natigilan ako at napabuntonghininga nang madatnang nasa study table siya at nag-aaral.

"Ma, may problema ba?" nagtataka naman niyang tanong sa akin nang makita ako.

"Yon nga, wala. Nakaka-miss 'yong mga panahong binibigyan mo ako ng sakit ng ulo. Ramdam na ramdam ko ang pagiging nanay.

"Bakit, Ma? Gusto mo bang magpakapasaway ako?

"Puwede ba?" nakangiti kong tanong. "Ulitin natin, dapat kunwari tulog ka pa."

"Ma, are you serious?"

"Mukha ba akong joke sa'yo, anak? Ako si Judge Xean Olivar Mendoza."

"Ah," usal niya bago tumayo at dumeretso sa kama niya. Napakamot naman ako ng aking ulo. Kahit kailan, kapag nagiging sarcastic ako, hindi nage-gets ng anak kong ito at palagi akong sineseryoso. Lumabas naman ako ng silid niya at muling kumatok. "Anak, gumising ka na diyan."

Binuksan ko ang pinto at nakita kong nakahiga nga si Xian; nakapikit ang kanyang mga mata. "Xian, tanghaling tapat na. Kailan mo balak gumising?"

"I'm awake na, ma," tugon niya bago iminulat ang kanyang mga mata.

"Asus, artistahin talaga itong anak ko. Kaya hindi na ako nagtataka n apinipilit ka ni Steve na mag-train sa Red Carpet," wika ko.

"Ma," atungal niya bago bumaba ng kama.

"Tara na sa baba at kumain," pagtawag ko. "Hindi ba babalik ka na ng dorm?"

"Yes, Ma. And kumain na rin ako."

"Samahan mo ako sa baba," tugon ko. "Huwag nang matigas ang ulo mo at bumaba ka na rin."

"Okay po," pagsuko niya bago sumunod sa akin pababa. Dumeretso naman ako sa kusina at naghanda ng kape.

"Tinawagan ko pala ang Ninang Addie mo. Susunduin ka ng kambal niya."

"Bakit po?" nagtataka naman niyang tanong.

"Anong bakit?" tanong ko pabalik bago dinala ang inumin ko papunta sa sala.

"Ma, kailangan po ba talaga? Hindi na ako bata at puwede naman akong magmaneho papunta ng Montecillo. It's just in Quezon City."

Our Days (Written in the Stars Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon