Chapter 26: Handsome Singer

133 10 4
                                    


Xean's POV

They are a bunch of nice people. Magkakaiba sila ng ugali but I can tell that I can get along with them lalo na itong si Hajoon o Franciz. Pagkatapos ng pananghalian ay bumalik kami sa Superstar Entertainment. Ibang-iba talaga ang Seoul sa Manila.

"Masasanay din ako," wika ko sa aking isipan. Dumeretso naman ako sa aking opisina nang makarating sa gusali. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ng mga international laws. Bigla kong na-miss sila Council JC at Council Nathan sa office of the Council of Gigolos. Nakaka-miss din ang energy ng mga agents sa Legal Department lalo na ang Powerpuff Girls. Nami-miss ko rin ang paborito kong tambayan sa Legal Department, ang bintana kung saan ko pinapanood ang puno ng banaba. Napabuntonghininga naman ako nang maalala si Marky at ang madalas niyang pagpasok sa opisina ko para manlambing.

All I have now is mere silence and I need to get used to this. I wonder what Marky is doing right now. I wonder kung babalik pa ang mga alaala niya. I guess I need to get him out of my mind. Natigilan naman ako nang may kumatok kasunod ng pagasok ni JaeBeom.

"Attorney Oh, we have a new trainee," wika niya. "Please, explain to him the scope of our contracts."

"Sure," wika ko bago pinaupo at kinausap ang bagong dating na trainee. Nang matapos ay pinabalik ko siya kay Attorney Kim. Mabagal ang pagtakbo ng oras. Mag-aalasais na nang bumukas ang pinto kasunod ng pagpasok ni Steve.

"Xean-hyeong, still working?" tanong niya.

"No. I'm done. Just reading a couple of documents," tugon ko.

"Are you ready for our company dinner?"

"Sure," tugon ko bago pinatay ang desktop computer. Tumayo ako at sinuot ang aking coat.

"Kamusta ang unang araw mo sa Superstar, hyeong?" tanong niya sa akin.

"It's fine. I've met a couple of people," ang tugon ko.

"Mabuti naman kung ganoon. Let's go."

"Nasaan nga pala si Addie?"

"Nagpaiwan siya sa bahay para alagaan si Juyeon at Xian."

"I see."

Lumabas naman kami para makapagkita sa ibang staff ng Superstar at nang makompleto kami ay nagtungo kami sa isang restaurant. "Yeoreobun (Everyone)," pagtawag niya sa atensyon ng lahat. Napatingin naman ang lahat sa kanya. "It's nice to see you again."

"Same to you, Sajang-nim!"

"Anyway, we are having this dinner for a special occasion. Let's welcome our new Foreign Legal Consultant, Oh Seungjae."

"Welcome to Superstar Entertainment, Attorney Oh!"

"Thank you."

"Enjoy the food and drinks!" anunsyo ni Steve. Hindi ko naman inasahan na magsasama ng alak sa kainan. I just focused on the food samantalang si Steve naman ay nakipag-inuman sa kanyang mga empleyado.

"Oh byeonhosa-nim," pagtawag ni Jaebeom. "Hindi ka umiinom?"

"Umiinom," tugon ko. "Pero sa tingin ko ako rin ang magmamaneho pauwi," dagdag ko sabay tingin kay Steve.

"Just enjoy the welcome party. Mag-taxi na lang kayo pauwi," wika naman ni Hyeri bago ako salinan ng soju sa shot glass at inabot sa akin.

"Oh, well. Parang wala naman akong choice." Ininom ko ang alak na ibinigay sa akin.

"Everyone," pagtawag ni Steve. Halatang lasing na siya. Bigla naman siyang umakbay sa akin. "Please, take care of him. Bago lang siya rito sa Korea. Alam niyo ba na malaki ang loob ko sa kanya? Six years ago, almost bankrupt na ang Superstar Entertainment. Pumunta ako ng Pilipinas para maghanap ng solusyon at nakilala ko siya. Kung hindi dahil sa kanya, hindi magkakaroon ng investment ang Superstar. He should be one of the executives pero pinili niyang maging legal consultant."

Our Days (Written in the Stars Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon