Bliss 1

1.5K 27 1
                                    

Author's Note: Hello, everyone! If you’ve already read this story, I apologize. I decided to make some changes because I felt the original version was a bit boring. ಥ_ಥ

Violet’s PoV

Never ko inisip na sa loob ng 19 years ko rito sa mundo ay aakyat ako sa bahay ng ibang tao na hindi ko naman kilala.

“Ano ba ang ginagawa natin dito, Red? Hindi ba pwedeng dumaan na lang tayo sa gate nila at kumatok sa pinto?”

“Hindi, makikita ako ng father niya at baka bigla akong barilin n’on. Kaya nga kita sinama rito para bantayan ako.”

What? Ginising niya ako para lang dito? Hindi ko nga alam kung bakit pa ako sumama sa kaniya.

Kung hindi ko lang talaga ’to kaibigan, kanina ko pa siya kinaltukan.

“Bilisan mo na lang diyan. Tatawagin kita kapag nandiyan na ang tatay niya.”

“Thank you. You’re the best talaga sa akin.”

Inirapan ko na lang ito at nagmadali naman siyang bumaba. Nakita ko naman ang pag-akyat nito sa terrace gamit ang isang special equipment.

Kailangan ba talagang gawin ang lahat para sa pagmamahal? Pwede naman silang magkita na lang bukas. Hay nako!

Narinig ko naman ang ingay nilang dalawa kaya kaagad ko namang inalis ang earpiece ko.

Talaga naman!

May ilang tao na nakabantay sa paligid ng bahay at masasabi ko lang na hindi sila magaling.

Pero sa bagay, trained naman si Red sa mga ganitong gawain kaya hindi siya nahalata kaagad.

Bumukas ang gate kaya ibinalik ko na ang earpiece ko at tinawag si Red.

“Tama na ang mukbang, nandito na ’yung father niya.”

Wala akong narinig na kahit ano sa kabilang linya kaya napakunot ang noo ko.

Knowing Red, hindi siya basta-basta nagpapatay ng line at magrerespond agad siya sa sinasabi ko.

Tumalon ako sa bakod pero ibang daan na ako dumaan kasi nagkaroon ng bantay sa dinaanan niya.

Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang katawan ni Red na parang pinatulog.
Nailagan ko ang kutsilyo na tatama sa akin mula sa babaeng ’to.

Kupal! Akala ko ba girlfriend niya ang babaeng ’to? Hay nako! Kapag kasi babae, mabilis siyang tamaan.

Nag-teleport ako sa likuran ng babae at hineadlock ito para makatulog.

Nakarinig ako ng footsteps paakyat kaya binigyan ko ng injection ang babae bago bitbitin ang katawan ni Red.

Nakarating ako sa kotse na ginamit namin kanina at mahina kong tinapik-tapik ang pisngi nito.

“Red, sasampalin talaga kita kapag hindi ka pa gumising.”

Since ayaw niya pang gumising, kinuha ko na lang ang isang bote na may matapang na amoy.

Kahit ako, hindi ko kinakaya ang amoy nito.

Itinapat ko iyon mismo sa ilong niya kaya agad itong nagising at napaupo.

“Anong nangyari? Bakit tayo nandito? Nasaan na si Anna?”

“Baliw ka ba? Set-up lang ang nangyari sa’yo. Kapag ito nalaman nila Prim, pagtatawanan ka. Bakit kasi hindi mo muna binackground check?”

Napakamot siya sa kaniyang ulo.

Blissful Reality (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon