Bliss 9

320 17 0
                                    

Violet’s PoV

Siguro noong nagpaulan ng katalinuhan, kinuha niya lahat. Perfect na naman si Ante sa exam namin ngayon.

“Ilan ka?” tanong ni Shane.

“Isa lang.”

“Gaga, ’yung score mo kasi.”

“Ah, sakto lang para maging tres. Hindi, thirty-seven lang talaga ako. Ikaw ba?”

“Thirty nine.”

Lagot talaga ako kapag nalaman niya ’yung score ko, kaya nga tinago ko na agad sa bag.

Paano kasi, sabi niya dapat maka-forty o higitan ko pa ’yun.

Idadahilan ko na lang siguro na pinressure niya ako kaya ganito lang ang score ko.

“Hoy! Bakit ka nakangiti? In love ka ba? Ikaw, ah!”

Pabiro ko naman itong inirapan kaya natawa siya.

“Issue maker ka rin pala.”

Nagtawanan kami pero nahinto ’yun nang nilapitan kami ni Salvador.

Bigla tuloy akong kinabahan.

“What’s your score?” tanong nito.

Hindi kasi niya alam ang score ko dahil random paper ang binigay ni Sir. Sa kaniya kasi sinabi ’yung score niya dahil perfect ito.

“Ano... mababa.”

Napataas naman ito ng kilay at nilahad ang kaniyang palad.

Nakuha ko naman ang ibig nitong sabihin kaya binigay ko sa kaniya ang papel ko.

Wala, e. Ayon lang talaga ang kinaya ng brain cells ko. Hindi pa pasok sa pasado kasi dapat 38 pero ayos na rin ’yun.

Lumabas naman ito at bitbit ang papel ko.

“Anyari? Akala ko ba warla ’yun sa’yo? Tska, bakit naman niya kukunin ang paper mo?”

“Narealize niya siguro na sobrang bait ko kaya hindi na niya ako pinagdidiskitahan at malay ko baka punitin niya ’yun.” sagot ko na lang dito.

“Weird.”

Lumabas na kami ng room kasi lunch time na naman at balak ko nga umuwi sa amin bukas.

Miss ko na sila, nakakausap ko naman ang mga ito sa phone pero gusto ko sila yakapin.

Pagbaba namin sa building, bigla namang tumunog ang phone ko kaya sinagot ko ito.

“Hello?”

“Come here.”

Ibinaba naman nito agad ang tawag kaya napatingin ako sa dalawang kasama ko.

“Guys, may emergency lang. Sige, bawi na lang ako sa susunod.”

“Ang weird pero sige.”

Nagpaalam naman ako sa kanila at nagmadaling pumunta sa garden.

Naabutan ko naman itong mag-isa. Bakit kaya hindi niya kasama ang mga kaibigan niya?

Tambayan kasi nila itong magkakaibigan at walang ibang pumapasok dito maliban sa kanila at sa gardener.

“Bakit?”

“Sit.”

Naguguluhan man ay umupo na lang ako at tinignan ito.

“I rechecked your exam and you got 39.”

“Weh? Paanong thirty-nine? Thirty-seven lang kaya ako.”

Inilapag naman niya sa table ang paper ko at tinuro kung saan ako tumama.

Blissful Reality (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon