Bliss 6

355 21 0
                                    

Violet's PoV

Natapos ang klase namin at nanlulumo ako sa score ko sa quiz ni Miss.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa score ko kasi ang baba at ako yata ang may pinakamababa sa amin.

"Para ka namang pinagbagsakan ng langit at lupa, Yvette. Ayos lang 'yan, bawi ka na lang sa exam next week." saad ni Shane.

"Exam na next week? Ang bilis naman."

"Late ka kasi nag-transfer, kaya magugulat ka talaga, pero ayos lang 'yan. Sabi nga nila, hindi pabilisan sa college."

Tinago ko na lang ang papel ko at tumayo na kasi may next class pa kami kay Professor Hernandez.

Palagi naman siyang late sa amin, kaya pagdating namin sa room, nagkwentuhan muna kami.

Kaklase ko rin pala rito si Ysra, kaya magkakatabi-tabi kami. Kilala niya rin sina Shane kasi friendly ang babaeng ito.

Wala sana akong balak pumasok ngayon kasi inaantok pa ako, pero hindi pwede.

Napatingin ako sa pinto nang pumasok si Salvador kasama ang kaibigan niya. Dumako ang tingin nito sa akin pero nag-iwas din naman agad ito.

“Himala, walang nangyari sa’yo ngayong umaga.” pansin ni Shane.

Well, every morning kasi ay naliligo ako rito sa school. Ikaw ba naman buhusan ng kung ano-ano?

Mabuti na lang at inuumagahan ko na pumasok kasi baka ma-late ako sa first class kung maliligo pa ako.

Isa pa, nakakahiya pumasok kung basa ako at malamig ang room dahil sa aircon, kaya baka magkasakit ako.

“Oo nga, wala yata siyang inutos sa mga alipores niya.”

“Hayaan niyo siya, baka mamaya meron. Alam niyo naman ang babaeng ’yan, bigla na lang sumusulpot.” saad ko sa mga ito.

Nag-agree naman ang mga ito at tumahimik na kami dahil biglang pumasok si Professor Hernandez.

Nagpa-quiz din siya, pero this time ay mataas na ang mga score ko kaya nakahinga ako ng maluwag.

Mabuti na lang!

May nakasulat naman sa likod ng papel ko kaya tinignan ko ito.

Meet me at the garden.

Ano na naman ba ang pakulo nito?

“Tara, lunch na tayo.” aya ni Shane at Pablo.

“Pass, may gagawin pa akong assignment sa ibang subject kaya kayo na lang muna.” saad naman ni Ysra at nagpaalam na sa amin.

“Ako rin, may gagawin ako ngayon kaya hindi ako makakasama. Bukas na lang siguro.”

Nagpaalam naman kami sa isa’t-isa kaya humiwalay na ako sa kanilang dalawa.

Naglakad ako papunta sa garden at hinanap si Salvador kasi siya ang nagsulat sa papel ko.

Natanaw ko siya kasama ang iba niyang kaibigan, pero hindi naman sila ang pakay ko rito kaya lumapit na lang ako.

Blissful Reality (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon