Violet’s PoV
Siguro ang struggle ko ngayon sa buhay ay ang paglalagay ng mole sa ilong ko.
Kapag kasi hindi ko ito nilagay, wala akong disguise.
Gusto ko sanang magpanggap na lalaki, kaso bawal ang lalaki sa apartment, at baka mabalya ako ni Nay Hannah ng wala sa oras kapag nakita niya ako.
Sinuot ko naman ang glasses ko at inayos ang suot kong damit bago ilagay ang ID.
Walang lace ang ID namin kasi hindi ko alam kung bakit. Much better nga ito kaysa sa lace, kaya lang baka mabilos madampot.
Wala pa akong update kay Nay Hannah, pero pakiramdam ko may lilipat na sa apartment.
Pagkarating ko sa room, may professor na kaya late pala ako.
Late na rin kasi ako nagising kanina dahil sa bagong trabaho ko at malaki pala ang sahod doon.
“I’m sorry for being late to your class, Ma’am. Nagkandaligaw-ligaw po kasi ako kakahanap ng room.”
Sa lahat ng excuse na naisip ko, ito talaga ang lumabas sa bibig ko. Sana tanggapin niya kasi minsan lang naman ako magsinungaling sa buong buhay ko.
“I understand, but if you're late again, I will not allow you to enter my class. Now, please introduce yourself to the class and tell us why you chose this program.”
Tumikhim naman ako.
“Hello, my name is Yvette Martin, but you can just call me Yve for short. I recently transferred here, and I decided to enroll in this particular program mainly because I not good at mathematics.”
Nilibot ng mata ko ang buong klase at nakita ko ang babae na nakabangga ko kahapon.
“Then you’re going to fail my class, Ms. Martin.”
Nagtawanan naman ang mga kaklase ko kaya ngumiti na lang ako sa kanila.
“You may now take your seat.”
Since wala nang ibang vacant na upuan maliban sa katabing upuan ng babae kahapon, umupo na lang ako sa tabi nito.
Narinig ko pa ang pangsinghap ng iba kong kaklase kaya nagtaka naman ako.
Masama na ba umupo sa upuan na ’to?
“You really dare to show your face to me, dumbass.”
“Ang ingay mo. Sa susunod nga hindi na ako tatabi sa’yo.”
Dapat pumikit na lang siya kung ayaw niyang makita ang mukha ko. Hindi ako mag-a-adjust sa kanya kung ganito ang attitude niya.
“You will really regret showing your face to me.”
“Okay, sige, go lang.”
Napansin yata ng professor namin kaya sa amin tuloy nabaling ang atensyon niya.
Ang ingay naman kasi ng babaeng ito!
“Since you two are talking, why don’t you solve this equations, Ms. Martin and Ms. Salvador?”
Pahawak naman, oh! Dapat kasi hindi na lang ako umupo sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
Blissful Reality (GxG)
FantasyGirlxGirl Story | Taglish | Fantasy Fiction | Major Revision Morozov Sister Series #1 - Violet Yvette Morozov is a happy-go-lucky person. Dahil sa impluwensya ng kanyang mga kaibigan, napilitan ang kanyang mga magulang na ilipat siya sa ibang school...