Bliss 5

400 19 0
                                    

Violet’s PoV

Pupungas-pungas akong naglakad palabas ng kwarto para maghilamos at mag-toothbrush.

“Good afternoon, Yvette.” bati ni Claire.

Kinawayan ko lang siya at naglakad na papunta sa bathroom.

Hapon na pala? Akala ko pa naman hanggang gabi ang tulog ko dahil sobrang pagod at puyat ako nitong mga nakaraang araw.

Nang matapos ako, pumunta na ako sa kwarto at wala na pala rito si Salvador.

Umuwi na kaya siya?

“Hinahanap mo ba si Ms. Salvador? Maaga siyang umalis kanina. Nagulat nga ako na galing siya sa kwarto mo gayong pinaparusahan ka naman niya sa school.”

Tumabi ako kay Claire at tinignan ang pinapanood niya.

“May sundo ba siya?”

“Hindi ko napansin, pero feeling ko meron kasi may kausap siya sa phone kanina. Anyway, may natira pa sa inorder ko. ’Yun na lang muna ang kainin mo para hindi ka na magluto.”

Nagpasalamat ako sa kanya at nagtungo na sa kitchen para kumain.

Siya si Claire Garcia, kaklase ko sa parehong school, at isa siyang tourism student.

Hindi siya marunong magluto kahit may lulutuin, kaya nag-oorder na lang siya online para raw hindi sayang ang gas.

Nang matapos kumain, niligpit ko na ang pinagkainan ko at naghugas ng plato.

“Claire! Yvette!”

Pinunasan ko ang mga hinugasan ko at nilagay ito sa lagayan niya bago pumunta sa sala.

Naabutan ko si Nay Hannah na may kasamang isang babae.

“Ito pala si Sarah, pamangkin ko. Sarah, ito naman ang dalawang makakasama mo rito sa apartment.” pakilala ni Nay Hannah.

Binati namin siya at tinulungan siyang iakyat ang mga gamit niya sa taas.

“Iwan ko na muna kayo rito kasi may gagawin pa ako.” paalam ni Nay Hannah bago ito umalis.

“May gusto ba kayong kainin o ulamin ngayon dinner? Ipagluluto ko kayo.”

“Ayon! Thank you, Ate. Kahit sinigang na baboy na lang na may maraming gulay.”

Oh! Na-ah.

“Ano ka ba, tawagin niyo na lang akong Sarah kasi hindi naman nagkakalayo ang edad nating tatlo.”

Napatingin naman ang mga ito sa akin kaya nagtaka ako.

“Bakit? May dumi ba ako sa mukha?”

“Wala naman, Yve. Ikaw? Anong gusto mong kainin?”

Umiling ako. “Hindi na, busog pa naman ako. Isa pa, hindi niyo rin ako makakasama mamaya kasi may pupuntahan ako.”

Hindi na sila nagtanong pa at nanonood na lang kami ni Claire ng cartoons habang si Sarah ay nagluluto.

Well, may mga groceries pa naman akong naka-stock sa ref kaya ’yun na lang ang lutuin nila.

Nang gumabi ay nag-ayos na ako at umalis sa apartment para magtinda.

Naglakad lang ako papunta sa lugar na iyon. Parang night market kaya marami rin ang nagtitinda rito.

“Nandiyan ka na pala, Yve. Ikaw muna ang magtinda kasi sumasakit na ang likod ko.” saad ni Ysra.

Nagsuot ako ng facemask at nagsimula nang magtinda.

Siya si Ysra Pablo, kaklase ko siya sa isang subject at nakita ko lang siya rito na nagtitinda kaya inalok ko siya kung puwede akong mag-part time.

Blissful Reality (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon