Violet’s PoV
Hirap na hirap akong bitbitin itong maleta ko dahil sa bus lang ako nakasakay papunta rito sa isang apartment.
Sabi ni Momma, solo ko raw ang apartment na ito para hindi ako mahirapan makisama sa ibang tao. Magaling naman ako makisama; ayaw niya lang siguro na may ibang tao.
“Ija, ikaw na ba si Yvette?” tanong ng isang matandang babae sa akin na sa palagay ko ay nasa 50s na siya.
“Opo, ako nga po iyon. Pasensya na po kung parang bitbit ko na ang buong bahay namin sa dami ng dala ko.” natatawang sagot ko.
Natawa rin siya sa kalokohan ko kaya pareho na kaming tumawa.
“Sige, ipasok mo na yan sa loob para makapagpahinga ka at masabi ko na rin sa iyo ang mga rules ng apartment ko.”
Sinimulan kong ipasok ang limang maleta at dalawang backpack sa loob.
Sana lang may mga unan na rito kasi kung wala ay bibili pa talaga ako.
Nang matapos, nagpahinga ako saglit sa sofa.
“Dahil solo mo itong bahay, inaasahan kong hindi magiging makalat dito. May tatlong kwarto sa taas at isa naman dito sa baba, kaya mamili ka na lang kung saan mo gusto.”
“Ano pa po? May unan po ba rito?”
“Oo naman, ija. Lahat ng kwarto ay may mga unan na. Pagdating naman sa bisita, hindi ko papakialaman yan. Basta panatilihin mo lang malinis ang apartment na ito.”
Nang matapos siyang magpaliwanag ay nagpaalam na ito kaya ako na lang ang natira.
Iniisip ko pa kung anong gagawin ko ngayon dahil hindi ko naman puwedeng tawagan sila Red.
Tiningnan ko ang perang ibinigay ni Momma. Nasa 50k ito lahat at kailangan kong pagkasyahin sa loob ng isang buwan.
Naisip ko namang sa baba na lang ang kwarto ko dahil nakakatamad kung aakyat-baba pa ako.
Siguro kakausapin ko si Nanay Hannah tungkol sa pag-upa ng tatlong kwarto sa taas para bumaba ang bills ko.
Naligo muna ako ulit at naglagay ng nunal sa bandang ilong ko. Sabi ni Momma mag-disguise raw ako para hindi ako makilala.
Hindi naman ako sikat pero kailangan pa rin daw.
Bitbit ang mga requirements, nagtungo na ako sa school kung saan ako lilipat.
Malapit lang naman ito at ilang lakad lang ay makararating na ako.
“ID niyo, Ma’am?” tanong ng guard kasi bawal pala pumasok.
“Wala pa po akong ID kasi transferee lang po ako at ngayon ko po ipapasa ang mga requirements ko. Nasaan po ba rito ang registrar?”
“Gan’on ba? Nasa Franzia Hall ang registrar. Dumiretso ka lang diyan at makikita mo na ang building na iyon at umakyat ka sa 2nd floor.”
Nagpasalamat naman ako rito at naglakad na papunta sa tinutukoy niyang building.
Maraming tao akong nakikita na nag-aaral dito at isa pala itong private school.
BINABASA MO ANG
Blissful Reality (GxG)
FantasyGirlxGirl Story | Taglish | Fantasy Fiction | Major Revision Morozov Sister Series #1 - Violet Yvette Morozov is a happy-go-lucky person. Dahil sa impluwensya ng kanyang mga kaibigan, napilitan ang kanyang mga magulang na ilipat siya sa ibang school...