Violet’s PoV
“Paano naman ako, nahulog na sa’yo, binitawan mo na ba talaga ako?” pagkanta ni Claire na may kasamang actions at feel na feel pa niya ang pagkanta.
Ang aga-aga, nag-vivideoke ang babaeng ito. Hindi na nahiya sa mga kapitbahay namin.
“Broken ba ’yang kaibigan mo, Fransin?” rinig kong tanong ni Sarah.
Si Fransin ang bagong recruit ni Nay Hannah at kaibigan din pala siya ni Claire, pero sa ibang department ito.
“Oo, nalaman niya kasi na may ibang nagugustuhan ang ex niya, kaya nagkakaganiyan.”
Hindi ko na lang sila pinansin at kumain na lang ako ng breakfast kasi aalis ako ngayon.
Linggo pero lalayas na naman ako.
Nang matapos kumain, gumayak na ako at nagpaalam sa kanila.
Inaya nga nila akong mag-inom, kaso may gagawin ako ngayon kaya hindi ako makakasama sa kanila.
Sumakay naman ako sa motor ko at sinuot ang helmet kasi sa wakas, may bagong motor na rin ako.
Ginamit ko ang ipon ko mula sa tip at sahod ko sa bar. Maganda ang motor na ito at balak ko nga bilhan ng ibang parts para mas lalong gumanda.
Pagkarating ko sa entrance ng village ni Salvador, hinarang naman ako ng guard.
“Ma’am, bawal po talaga pumasok kahit ibigay niyo pa ang ID niyo.”
Ayaw kasi akong papasukin nito, kesyo wala raw silang notice na natanggap.
“Patawagan na lang po ang bahay ni Isabella Salvador at pasabi na nandito ang classmate niya.”
Ginawa naman nito ang utos ko at naghintay lang ako saglit.
Hindi ko nga alam kay Salvador kung bakit ngayon na ako gustong turuan, pero hindi na ako nagreklamo kasi exam na naman sa tuesday.
Itinigil na rin niya ang pangbubully sa akin at pinalitan niya rin ang mga gamit kong nasira noong pool party nila.
“Ma’am, ano raw po ang pangalan niyo?”
“Yvette Martin.”
Hindi Morozov ang dinala kong apelyido kasi kilala ang family name namin, lalo na sa business.
Ginamit ko ang surname ni Manang Beth bilang kapalit at pumayag naman si Momma.
“Pasensya na, Ma’am. Sige po, pwede na kayong pumasok pero huwag niyo na lang po suotin ang helmet niyo.”
Tumango naman ako rito kaya sinuksok ko na lang sa braso ko ang helmet.
Magagarbo rin ang mga bahay dito at mga mayayaman din ang nakatira. May mga helipad pa nga ang ibang bahay.
Pagkarating ko naman sa gate, bumaba na ako sa motor at pinindot ang bell.
Bumukas naman ang gate at isang lalaki ang bumungad sa akin.
“Ikaw po ba si Yvette?”
Tumango naman ako. “Opo, nandiyan po ba si Isabella?”
BINABASA MO ANG
Blissful Reality (GxG)
FantasyGirlxGirl Story | Taglish | Fantasy Fiction | Major Revision Morozov Sister Series #1 - Violet Yvette Morozov is a happy-go-lucky person. Dahil sa impluwensya ng kanyang mga kaibigan, napilitan ang kanyang mga magulang na ilipat siya sa ibang school...