Bliss 10

333 15 2
                                    

Violet's PoV

Tinago ko ang mukha ko gamit ang libro kasi, what the heck? Nandito si Red at kasama ang iba pa naming kaibigan.

Pinagtitinginan tuloy sila kasi galing ang mga ito sa ibang school.

“Why are you hiding your face?”

“Ha? Hindi naman, gusto ko lang kasing magbasa.”

Bakit kasi pinapansin niya pa ako? Siya nga hindi ko pinapansin.

“Really? Reading upside down?”

Tinignan ko ang libro at tama siya kasi nakabaliktad nga ito.

Inayos ko naman ang book at tumikhim para pagtakpan ang hiya na nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung bakit nandito ang babaeng ’to. Nakita niya lang akong nag-aaral at dito pa talaga siga umupo.

Tinanong ko siya kanina kung bakit dito, kasi marami pang vacant tables.

Ang sagot niya, pag-aari raw nila ito. Kaya wala na akong nagawa kundi makipag-share sa kanya.

Yumuko ako nang biglang naglakad papunta sa amin si Red.

“Isabella, how are you?”

Boses pa lang, alam ko na kung sino siya.

“Red, what the hell are you doing in our school?”

“Who’s she?”

Bakit hindi niya sagutin ang tanong ng isa? Bakit pati ako papansinin ng babaeng ’to? Hindi ba niya nakikita na nagtatago ako sa kanila?

“This? She's none of your business, so back off.”

“Chill, nagtatanong lang ako. Pinipindot mo na naman si anger sa loob mo.”

Oo nga, masama na ba magtanong? Napakamainitin ng ulo ng babaeng ’to.

“Yvette, leave us.”

“Yvette?”

“Yve?”

“Ha?”

Tumingin ako sa kanila at gulat ang nakita ko sa mga mukha ng mga ito.

“Finge que no me conoces en absoluto.” (Pretend that you don't know me at all)

Naintindihan nila ako dahil dapat lang talaga nila akong maintindihan.

“Ha? Ano raw? Bakit ka may kaibigan na alien, Isabel?”

Humanda lang talaga ang babaeng ito kapag wala na si Salvador. Tutupiin ko talaga siya sa walo.

“She’s not an alien, Red... Go now, Yvette.”

Umalis ako sa table bitbit ang gamit ko at lumipat sa tabi dahil hindi naman occupied.

Nagsasagot ako ng assignment at sa libro lang iyon mahahanap kasi wala raw sa internet.

Umalis sila kaya minabuti kong mag-aral kaysa magbulakbol. Bad influence kasi sila minsan. May good side pala ang paglayo ni Momma sa akin.

“Bakit ka nandito, Violet? Alam mo bang hinalughog na namin ang buong city para mahanap ka tapos nandito ka lang pala?”

Isa pa ’to si Prim.

“Sino ba nagsabi na hanapin niyo ako sa buong city? Dapat tinawagan niyo na lang ako.”

“Haler? Ang taong nagtatago hindi magsasabi ng location niya.”

May point siya pero magsasabi naman ako kung nagtanong siya noong tinawagan niya ako.

“Hindi naman ako nagtatago.”

Blissful Reality (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon