Chapter 31

9.3K 271 78
                                    

Bumangon na agad ako sa kama ko dito sa bahay ni Papa nang tumunog na ang aking alarm clock sa bedside table. 

Nabungaran ko agad ang pamilyar na sinag ng araw sa labas ng bintana at ang tahimik na lugar dito. Usually kasi sa condo maririnig ay 'yung pag busina ng sasakyan na rinig na rinig sa 10th floor. Medyo hindi na ako sanay.

Kinuha ko ang aking cellphone ng bigla iyon tumunog indicating that someone texts me. It was my ringtone for Sidra kaya alam ko na siya na 'yung nag text.

Sidra Exie
Good morning, love. 
I'll fetch you. Is that okay?

Agad akong nagtipa ng ite-itext dito habang nakangiti ng maliit pero agad din nawala kaagad dahil sa naalalanh pangyayari kagabi. Agad na bumalik ang lungkot at labis na sakit sa aking kalooban ng maalala ang mga pinagsasabi ng tatay nito sa akin kagabi. 

Ngumiti na lang ako ng mapait at nagtipa na. Ayaw kasi ni Sidra na matagal ako magreply dahil bigla na lang siya nag aalala. 

Dione

Malayo pa ang pupuntahan mo if galing ka pa ng condo.
Magpapahatid na lang ako, mauna ka na.

Okay. I'll see you later, mahal.

Of course, love.
I love you.

I love you, too hehe. 

Nawala ang tingin ko sa cellphone nang makarinig ako ng katok sa pinto ng aking kwarto. Binitawan ko ang cellphone sa bedside table bago ako mapatikhim.

"Come in." Nagulat pa ako saglit nang marinig ang medyo malat ko na boses. Hindi na rin ako nagtaka dahil puro iyak lang naman ang ginawa ko sa kwarto na 'to dahil doon sa pinagsasabi ng tatay ni Sidra.

How funny to think that I always cry and suffer every time I'm in this room or rather in this house. Is that a curse? 

Pagkabukas ng pinto ay bumungad sa akin si Manang na may maliit na ngiti sa labi. A tight lipped smile made its way on my lips nang makita ito. 

"Yes, Manang?" I asked her dahil medyo maaga pa naman para maghanda for my classes today. Na-update din sa group chat namin na may orientation pa daw na magaganap for the start of second semester kaya pwede pa naman siguro ma-late ng konti lang. 

"Welcome, 'nak." Bati nito na ginawaran ko lang ulit ng ngiti na maliit, "Gusto mo ba dalhan kita ng agahan o doon ka na kakain sa baba kasama Papa mo?" Marahan na tanong nito habang nakasilip pa rin dito. Tanging mukha lang nito ang kita ko dahil natatakpan ang buong katawan nito ng pinto.

Napaisip naman ako sa tinanong nito. Hindi din naman masama if doon ako kumain sa baba kasabay si Papa. It's been so long na din. Bata pa lang ata ako nung nakasabay ko kumain si Papa.

"Bababa po ako, Manang. Thank you po for asking." Sagot ko dito kaya naman nginitian muna ako nito bago isarado ang pinto to have my privacy. 

Napabuntong hininga na lang ako sa higaan at pinagmasdan ang buong kwarto. Wala pa rin naman siyang pinagbago except sa curtains na lagi kong sinasabi kay Manang na palitan every 2 weeks. 

Lahat ng gamit ko kung paano ko siya iniwan ay nandoon pa rin. Parang hindi ito ginalaw ng kung sinong kasambahay dahil wala talaga siyang pinagbago. Tulad na lang nung paper bag na may laman na gamot to treat my cuts in my wrist. Si Sidra ang nagbigay noon when she noticed it one time. 

Napatingin ako sa wrist ko na dati ay puno ng sugat dahil sa lagi kong pagtatangka ng sariling buhay kung hindi lang dahil lang sa mga phone calls na nare-receive ko from my parents. 

Wild Heart (Eastwood University Series #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon