Why the fvck is my sight and my head spinning? Just what the hell?
Kakagising ko lang at sobrang sakit ng ulo ko at ang liwanag pa na nanggagaling sa labas ay nakakasilaw! Ayan, inom pa.
I tried to stand up pero bumabalik rin sa pagkakahiga dahil nararamdaman ko na naman ang hilo. God, salamat na lang talaga at sabado ngayon dahil kung may pasok man ay paniguradong mas lalala pa ang nararamdaman ko.
Suddenly, my dog, Zero, comes in with his tail wiggling, indicating that he's excited about something.
Maya maya ay nagsimula na itong tumahol dahilan ng paigtad at pagdaing ko dahil sa gulat at pagkakarindi sa ginagawa nito na ingay. Mas lalong nasakit ang aking ulo!
"Zero, please. Tone down," nanghihina kong turan bago mapapikit at mapahiga. God, I'm so tired!
Napahinga ako ng malalim bago mapagpasyahan na tumayo na para ayusin ang sarili dahil kailangan ko pa mag-aral.
Pasuray suray akong naglakad papunta sa banyo ng aking kwarto at inayos na ang sarili para bumaba na papuntang kusina. For sure naman ay may nakahanda na doon considering that it was already 10am.
Pagkababa ko ay nakasunod lang naman sa akin si Zero. Nang nasa hagdan na ako ay agad na hinanap ng aking mata si Manang, na ngayon ay nasa kusina nga habang naghahanda na para sa tanghalian namin.
Ngumiti ito ng makita na bumaba na ako ng hagdan.
"O, Dione! Ayos lang ba pakiramdam mo? Nakahanda ang gamot diyan pero kumain ka muna, hintayin mo na itong niluluto ko," agad na sabi nito habang nakatingin sa niluluto. Pilit ang ngiti ng tumango ako bago maupo sa isang upuan at kinuha ang isang green apple at pinaglaruan.
"What are you cooking, Manang?" Tanong ko habang pinaglalaruan ang apple. Si Zero ay nasa aking tabi, playing with his toys.
"Paborito mo, 'nak-- bistek."
Halos pumalakpak ang aking tenga sa narinig at sabik na ngumiti dito. Nakita niya siguro ang excitement sa aking mukha kaya natatawang bumalik ito sa niluluto.
"Right, did my parents came home last night?" Tanong ko at kumuha ng isang basong orange juice na nakahanda sa lamesa.
Habit ko na yata na uminom ng juice every morning. Wala lang, ginaganahan lang ako sa araw pag nainom ako.
"Oo pero umalis din. Hanggang ngayon 'di pa sila nakakauwi." Sagot naman ni Manang kaya napatango ako. Hindi ko naman maiwasan na mag aalala sa mga ito dahil unang beses ata na hindi sila umalis ng dahil sa trabaho.
Kahit kasi busy sila lagi ay hindi nakakalimutan na umuwi ng bahay. Minsan kasi pag hindi nila natapos ang gawain sa office ay inuuwi nila 'yon at dito gagawin sa bahay. Hindi ko lang talaga alam kung bakit hindi pa sila nauwi.
"Hindi ba sila nag text sa 'yo, iha?" Tanong ni Manang ng hindi nakatingin sa akin. Umiling lang ako at kinuha ang aking cellphone para tingnan kung may messages pero wala talaga.
Napabuntong hininga ako, "It's fine. Baka busy lang talaga sila, Manang." Ngiti ko bago tumayo na sa kinauupuan para pumunta ng sala.
Sobrang hilo pa rin talaga 'yung nararamdaman ko kaya doon muna ako hihiga instead sa aking higaan. It's unhealthy pag doon lagi sa higaan kasi you know, hindi ka na talaga makakaalis.
Nakapikit lang naman akong nakahilata sa sofa habang ang braso ay nakatakip sa aking mata. I sighed dahil hindi talaga naalis 'yung sakit ng ulo. Shit lang.
Maya maya ay tinawag na rin naman ako ni Manang ng bandang 11am dahil naluto na raw 'yung pagkain at kailangan ko ng kumain dahil iinom pa daw ako ng gamot. Mabilis lang din naman akong pumunta sa hapag para magsalo na kami ni Manang.
BINABASA MO ANG
Wild Heart (Eastwood University Series #2) ✔️
Ficción GeneralEastwood University Series #2: Dione Chavez Dione can't think of any idea why the most famous medical student and the eldest Tuazon suddenly make her so-called serene life turn into chaos. She can't think of any idea how she just suddenly fe...