Chapter 40

13.3K 328 94
                                    

"Ang haba talaga ng hair ng beshy ko na 'yan. Bakit hindi mo pagupit?"

Kanina pa ata nang aasar itong si Adira dahil sa naging kaganapan kagabi nung kumanta sa harap ng maraming tao si Sidra. Pagkagising ko talaga ay literal na nasa labas ito ng kwarto namin wearing that annoying smile of hers habang pilit na pinapaalala sa akin ang nangyari kagabi.

"Kanina ka pa Adira, ha? Tigilan mo nga ako," masungit kong saad dito pero mahina lang ang pagkakasabi dahil tulog pa rin si Astrid kasama ang Mama nito doon. Lumipat kasi kagabi si Sidra sa tabi ng anak noong nagising ako at doon natulog ulit.

"Kinikilig pa rin talaga ako doon sa ginawa ni Ate Sid kagabi." Buntong hininga nito at humalumbaba habang nakatingin sa taas, "Hays. I really miss her. This is frustrating."

"Asan na ba kasi si Miss---" Mayabang kong usal kaya naman ay napasimangot siya at umirap sa akin.

"Don't you even try to utter her name," maarte nitong hinawakan ang dibdib at pumikit, "Lalo ko lang siya nami-miss."

Napairap na lang ako at bumalik sa ginagawa. Nagluluto kasi ako ng almusal na kakainin namin tatlo, apat pala dahil nagpunta rin dito si Adira para maki-share ng almusal. Paano ba naman daw kasi ay hindi na daw siya nilulutuan ng mga pinsan nita ng  breakfast dahil sa hindi ko alam na dahilan dahil hindi niya naman sinabi.

Deserve niya talaga dahil iniinis niya ako, agang aga.

"Kape ba sa 'yo?" Tanong ko habang hinahanda ang mga tasa na paglalagyan ng kape. Hindi ko ito narinig na sumagot kaya bumaling ako sa kaniya para makita na nakatulala lang ito at nakatingin sa kawalan.

Baliw.

"Adira Fayre! Naknamputa, ano?" Inis kong singhal kaya napakunot din ang noo nito.

"Ano din?" Mataray na saad nito kaya kamuntikan ko na batuhin ito ng tasa na hawak dahil sa inis.

"Kung magkakape ka kamo?"

Ngumiti ito ng pilit at tumango, "Hehe, oo." Napairap na lang ako at nagsimula na magtimpla ng kape para sa aming tatlo.

Nang matapos ako sa pagtitimpla ng kape ay bumalik na ako sa taas para maligo at mag ayos para bago kumain ay mukhang fresh. After ko lang din mag ayos ay pumunta ako sa mag inang magkayakap at siksik sa isa't isa na nakahiga sa kama kahit na napakalaki pa ng space nito.

Una akong lumapit kay Astrid para gisingin ito. Sinimulan kong pugpugin ng halik ang mukha nito kaya naman nagsimula na itong magising kaya napangiti ako. She looks like a cat habang naunat doon sa tabi ng Mama niya. She smiled when she saw me.

Napangiti din ako, "Good morning, baby." At binigyan ko ulit ito ng halik sa noo that made her giggle. Wala na talagang mas ikakasasaya pa pag narinig mo ang tawa at nakita ang ngiti ng batang 'to.

"Morning, Mommy." She smiled before kissing my cheeks. Bumaling din naman siya sa Mama niya at hinalikan ang ilong nito. "Morning, Mama."

I almost melted with Astrid's affection for her Mama. This kid has the sweetest soul.

"Astrid, baby." Tawag ko sa anak ko, "Aunt Adi is downstairs and ready to devour all the food I cooked. Go down, I'll just wake your Mama up. Sabay tayo kakain with Mama, okay?"

She smiled at me the last time and nodded, "Okay, Mommy."

Pagkalabas ni Astrid ay siya ko naman pagbaling kay Sidra, na hanggang ngayon ay tulog mantika pa rin. She must be tired considering that a lot of people last night requested many songs for her to sing. Hindi niya matanggihan kaya wala siyang nagawa kundi ay kumanta na lamang.

I started to trace her face using my fingertips as I also started to feel her soft face against it. There is no doubt that I missed this woman and it makes me miss her more noong kinanta niya ang kanta na iyon kagabi.

Wild Heart (Eastwood University Series #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon