"Bente daw para sa fund."
"Pwedeng umupo muna? Pwede ba?"
Napairap ako at nilagay ang bag sa upuan ko. Kakarating ko pa lang at ang unang bumungad sa aking mukha ay ang mukha ng treasurer namin na si Simon, na hawak ang listahan siguro ng hindi pa bayad habang nakalahad ang kamay sa akin.
Dapat nga ay wala nang ganiyan dahil school anniversary naman ngayon. Ampota, nandito lang naman ako sa university para sa attendance tapos sisingilin pa ako!
"Hoy, bente na!"
"Eto na nga! Kukunin ko pa wallet ko, tangina!" Inis kong usal bago padabog na kinuha ang wallet sa bag.
Kainis! Agang aga, naniningil! Kung bakit naman kasi may class fund pa e mayaman naman 'tong university na 'to.
"O ayan! Lubayan mo na ako at baka ihampas ko sa 'yo 'tong reviewer ko. Kainis!" asar kong taboy dito na agad niya naman ginawa. Ako'y naalibadbaran na rin sa mukha niya.
Maya maya ay nilibot ko sa buong classroom ang aking tingin at, "Hoy! Nasaan ang attendance at nang makauwi na!" Lahat sila ay napatingin sa akin. Nakita ko naman kay Liam 'yung yellow pad kaya tinawag ko ito.
"Liam! Parine at nang ako'y makauwi na! Ako'y naaalibadbaran sa mukha ni Simon!" Inis na sabi ko habang kamot ang ulo. Natawa naman sila sa aking sinabi habang si Simon ay napabusangot na lang.
"Parang gusto ko naman kayo singilin e nautusan lang naman ako," angal nito kaya napa-oohh yung iba sa amin. Napailing ako at lalo lamang napasimangot.
"Sus!" Singit ni Claire, "Nakita ko nga kayo ni Pres na nakain ng isaw kahapon habang hawak 'yung wallet ng class fund!"
Talaga namang nanlaki ang aking mata sa narinig bago matawa nang nagsimula na naman silang magbangayan. Sobrang ingay na naman ng classroom namin kaya pati ang napapadaan na mga estudyante sa hallway ay napapabaling ng tingin sa aming classroom sa sobrang ingay.
"Ayan ha! Ginagamit niyo pa ang class fund para sa date niyo e, 'no?
Nagtigil lang ng makarinig kami ng katok sa pintuan ng classroom. Napatingin kami doon ng makita ang isang hindi namin kilala na student na nandoon. Tingin ko lang Business Major 'tong student kasi naka-green siya ngayon. Sabi kasi sa amin na magsuot ng damit that will represent our course kaya naka-red kami ngayon.
"Is this 1A?" tumango kami at pinalapit 'yung pres namin sa kaniya.
"Ms. Ferrucci instructed you guys to go at the field. Pila na lang daw po ng maayos and Ms. Presi!" Tawag nito sa class President namin, "Pakibilang daw po muna bago lumabas ng room. Make sure you bring everything that is important daw. Thank you!" Pagkasabi non ay umalis na siya.
"Halika na, Dione, dalhin daw mga importante e," sabat ni Luke habang namumula ang mukha na lumalapit sa akin. Narinig ko naman ang mga pang aasar nila.
Pairap na binalingan ko ito, "Ako'y layu-layuan mo, ha! Agang aga banat ka ng banat! E kung banatan kita?" Sabi ko at aambahan na sana siya ng sapok nang pigilan na kami ng isa namin kaklase.
"Tama na 'yan! Tara na," awat nito bago naunang lumabas ng classroom. Sinamaan ko muna sila ng tingin bago sumunod para lumabas na.
Nakarating kami sa field, na ngayon ay marami nang estudyanteng nakapila. 'Nak ng pocha! Lakas din nila e. Kung saan mainit, doon papapilahin ang mga estudyante, talaga naman.
Maya maya ay nakarinig kami ng tilian ng mga estudyante sa bandang kanan. 'Di na ako nag atubili na tingnan iyon dahil for sure wala naman kwenta 'yon. Ang hinahanap ko ngayon ay si Adira na nasa backstage ata. Ngayon 'yung performance niya kaya nandoon siya ngayon.
BINABASA MO ANG
Wild Heart (Eastwood University Series #2) ✔️
General FictionEastwood University Series #2: Dione Chavez Dione can't think of any idea why the most famous medical student and the eldest Tuazon suddenly make her so-called serene life turn into chaos. She can't think of any idea how she just suddenly fe...