Nakayuko habang pinaglalaruan ang mga daliri na nakaupo ako ngayon dito sa sofa ng kwarto nila Papa habang kaharap si Sidra na hawak si Astrid sa kaniyang lap, na ngayon ay tulog dahil sa mahabang byahe.
Kanina pa ata kami dito na nakaupo lang hanggang sa nakatulog na nga si Astrid sa kandungan nito pero hindi pa rin talaga ako nagsasalita dahil sa takot at hiya kay Sidra.
"How long are you going to keep this from me?" Mahina pero malamig na usal ni Sidra habang nakatingin pa rin sa anak. Napalunok pa ako ng ilang beses bago siya masagot.
"Sasabihin k-ko rin naman s-sayo ngayon. H-Hinihintay lang kita na d-dumating..." mahina kong usal ng nauutal dahil sa kaba kaya lumipat na ang tingin nito sa akin.
"Buntis ka na ba nung umalis ka?"
Hindi ko mahimigan kung galit ba ito or ano sa tono ng pagsasalita niya. Blangko lang kasi iyon dagdag pa na hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha nito.
"I was three weeks pregnant nung umalis ako ng bansa—"
"Kailan mo lang nalaman na buntis ka noon?" Putol niya sa akin.
"T-Two weeks—"
"That's enough time for you to say that you're pregnant, Dione." Malalim na ang boses nito at kita na sa mata nito ang pagkadismaya kaya napayuko ako para pigilan ang pag agos ng luha sa aking mukha.
"Naghahanap lang naman ako ng t-tyempo para sabihin sayo na buntis ako pero—"
"Kasi iniisip mo na hindi ko tatanggapin 'yung bata, ganon ba?" Putol muli nito sa sasabihin ko kaya natigilan ako.
Is that really the reason? No.
Umiling ako, "You're not that kind of person, Sidra."
"Alam mo naman pala e. Bakit mo pa tinago?"
Hindi na ako nakasagot sa tinanong nito at napayuko na lang dahil ayoko na makita ang dismayado at disappointed na matang nakatingin nito sa akin.
"Lalo lang dumami 'yung pagsisisi ko sa buhay nung nalaman ko na ikaw lang nagdala mag isa ng magiging anak natin, Dione." Puno ng hinanakit na saad nito kaya hindi ko magawang itaas ang tingin sa kaniya.
"I should've been there for you, taking care of you and buying all the things na kailangan mo para kay Astrid. Hindi ko kayang isipin na... dinala mo at inaalagaan si Astrid ng mag isa when I should be the one taking care to the both of you."
"Sidra... You're about to get married at that time. I want your life to be peaceful and happy pero hindi mangyayari 'yon kung nandoon ako—"
"But, you are my happiness, Dione. Kayong dalawa."
"Sidra..."
Umiling ito at napayuko habang humihikbi. Nagalaw na din ang balikat nito sa pagpigil ng iyak but failed, "I did not cheat, love. I've never. It's a plan made by my stupid father and Samantha to break us apart. Hindi ko kayang gawin sa 'yo 'yon."
Now, the never ending questions have been answered by Sidra. I knew that she would never do that, she promised me. Pero nang dahil sa mga sinabi at pinakita sa akin ni Samantha nung araw na 'yon, napilitan kong isipin na magagawa niya 'yon sa akin kahit na she gave me her word. I blame myself for everything. Napakatanga ko.
Nagugulat na tiningnan ko lang si Sidra kasabay ng pag agos ng aking luha habang ito ay ngayon ay hinahaplos ang mukha at buhok ni Astrid while looking at her own daughter, lovingly.
Maya maya ay napabuntong hininga ito, "I never knew that going to that mall will make me see my daughter. God really make a way para magkita kami ni Astrid and I'm really glad na sumama ako kay Tyson kahit na bugbog na katawan ko sa hospital."
BINABASA MO ANG
Wild Heart (Eastwood University Series #2) ✔️
General FictionEastwood University Series #2: Dione Chavez Dione can't think of any idea why the most famous medical student and the eldest Tuazon suddenly make her so-called serene life turn into chaos. She can't think of any idea how she just suddenly fe...