Author's Note:
R18+ This chapter contains mature content and strong language that may not be suitable for anyone under the age of 18. Reader discretion is advised.
Agad akong napahawak sa aking ulo nang makaramdam ng kirot doon. Napangiwi ako lalo nang bigla na lamang tumunog ang aking cellphone, may biglaang tumawag doon.
Tiningnan ko muna ang oras at nakita na 3pm na ng hapon. Napabalikwas ako ng bangon.
Tanghali na pala ako tapos hindi man lang nila ako ginigising.
Actually, wala ako masyadong maalala sa nangyari kagabi. Ang naalala ko na lang ay pumunta ako ng bar after ng sagutan namin ni Astraea at nagpakalasing kaya ngayon nagtataka na lang ako kung sino ang nagdala sa akin dito.
Muli akong nagitla ng tumunog ang aking cellphone. Hindi ko kasi nasagot kanina ang tumawag. Tumingin naman ako doon sa caller at nakita na si Papa iyon. Nagtataka naman na bumangon ako sa aking kinahihigaan at napaisip. Unusual.
Sinagot ko na naman iyon agad dahil baka singhalan na naman ako nito at mag away na naman kami.
"Oh?" Bungad ko dito at akmang tatayo na para umalis doon sa higaan pero agad din napabalik dahil sa aking ulo. Tangina, hindi na ulit ako iinom, promise.
"It's nice to hear from you, too," may himig na sarkasmo sa boses nito kaya napabuntong hininga ako.
"Pa," tawag ko sa kaniya bago mahiga ulit at nilagay ang braso sa mata. Parang hindi ko kaya gumawa ng kahit ano dahil sa pesteng ulo na 'to. Bakit nga ba ako nag inom?
Right. Astraea.
"Adira just messaged me last night. You're going to stay there in a week, she said." Sabi nito sa baritonong boses pero napatango na lang ako kahit hindi nito nakikita.
"Yes, Pa." Sana pumayag kung hindi mapapauwi talaga ako ng maaga. Hindi kasi ako nagpaalam sa kaniya kahit kay Mama dahil alam kong busy sila sa kani-kanilang buhay.
"Okay. You should've at least told me, papayagan naman kita."
Nagulat naman ako sa marahan na pagkakasabi noon. Tinanggal ko ang braso sa mata at kunot ang noo na napatingin sa paligid. He's acting weird now.
What happened to the bad guy?
"Uh, okay? Sorry, then." Paumanhin ko na lang na sabi dito, nawe-weirdo-han pa rin sa pinaparinig nito sa akin ngayon.
I heard him sighed at the other line, "It's okay. Uh, Dione," biglaang pagtawag nito sa akin. Sakto naman na pagbukas ng pinto ng kwarto na kinabibilangan ko at niluwa noon si Sidra na may dalang tray ng pagkain.
Nagulat ako when she gave me a small smile at nilagay ang tray sa bedside table.
"Dione?"
"Yes, Pa?" Nagigitla kong usal sa telepono at binigyan din ng ngiti si Sidra. Her smile widens at binigyan ng isang patak ng halik ang aking noo.
"After this week, magiging busy ka ba?" Tanong nito kaya lalo akong nagtaka sa nangyayari ngayon.
Kanina sobrang gentle ng pakikipag usap niya sa akin and now, he's asking if I was busy in the following week? What's happening? Does he need something?
"It depends po sa mga subjects namin this sem. Why?" Saad ko at hinintay ang sasabihin nito. Bagong subjects and schedules na rin kasi ang mangyayari next week kaya hindi ko talaga alam.
"Is it okay to have dinner with my daughter?" Natigilan ako ng marinig iyon mula sa kaniya ng hindi commanding ang boses.
Anong nangyari sa kaniya at bigla ata siyang bumait? It feels like I'm talking to my old Dad. And when I say my old Dad, the gentle and very kind father when I was a kid.
BINABASA MO ANG
Wild Heart (Eastwood University Series #2) ✔️
Fiction généraleEastwood University Series #2: Dione Chavez Dione can't think of any idea why the most famous medical student and the eldest Tuazon suddenly make her so-called serene life turn into chaos. She can't think of any idea how she just suddenly fe...