Chapter 3

12.4K 416 37
                                    

"Dione, anak?" 

Naalimpungatan ako ng marinig ang malumanay na boses ni Manang Fely na gumigising sa akin. Minulat ko ang aking mata at bumungad sa akin ang malambot na ekspresyon sa mukha nito habang nakatingin sa akin.

Napaupo ako sa aking higaan at napatingin sa paligid.

"Yes po, Manang?" Wala pa sa wisyong tanong ko dito habang kinukusot ang mata. 

Nakatulog pala ako kanina matapos na umiyak sa hapag at kaharap pa ang mga pagkain. 'Yung mga pagkain pa talaga naka-witness ng mga luha ko, nakakahiya lang. 

"Tawag ka ng parents mo," marahan muli ang boses nito. 'Di ko naman maiwasan na magulat sa sinabi nito at halos mabali ang aking leeg sa mabilis kong paglingon ko dito. 

"They're here?" Gulat kong tanong at nanlalaki ang mata na tumingin dito. Nakita ko ang bahagyang pag ngiti nito sa akin bago tumango. 

Hindi ko naman kasi talaga maiiwasan na magulat dahil akala ko ay hindi uuwi ang mga ito considering what happened last night. Akala ko ay magpapakalulong na naman sila sa pagta-trabaho at babalik dito na para bang wala nangyari while doing damage on me again. That's how it works on them.

"Oo, kanina pa," saad nito bago ako ngitian, "Bumangon ka na diyan at hanap ka na nila kanina pa," pag udyok nito sa akin kaya tumango na ako at agad na kinuha ang aking cellphone para tingnan kung sino ang nagt-text sa akin.

Kanina pa kasi 'yon nailaw at medyo naiirita na ako dahil sa liwanag na nanggagaling doon. 

Once I open it, I squint my eyes because of the light coming from it before reading Adira's text messages.

Oh, right. I forgot. In-invite nga pala ako nito pati na rin ang mga pinsan nito na pumunta sa birthday party ng tatay nila Ate Sid. 

Naalala ko na naman ang sinabi nito na invited rin si Papa sa birthday party nito kaya siguro nandito ito ngayon at isasama pa ako. 

Tss, kahit naman hindi nila ako imbitahan ay pupunta ako. Duh! Maraming pagkain doon, pupunta talaga ako.

Napagdesisyon ko na bumaba muna para kausapin ang aking mga magulang na kanina pa daw nasa baba. Hindi ko na inabala na ayusin ang aking buhok dahil magugulo rin naman iyon dahil maliligo pa ako. 

Lumabas na ako ng kwarto at mabagal na naglalakad papuntang baba. Medyo nahihilo pa kasi ako after ng ilang oras na pagtulog kaya ganan. 

Nang makababa ay naabutan ko ang aking dalawang magulang na nasa sofa habang nakatingin sa kani-kanilang gadgets. Napabuntong hininga ako at napailing. It's better na ganiyan na lang sila dahil nakakarindi na talaga na pag gigising ako ay mga bunganga kaagad nila ang naririnig ko

Naramdaman siguro ni Mama na may bumababa na sa hagdan kaya bumaling ito sa aking pwesto bago ngumiti ng alanganin sa akin.

Walang emosyon ko lang naman silang tiningnan habang nababa. Dahil sa ginawang pagbaling sa akin ni Mama ay lumingon na rin sa akin si Papa at hindi ko na ikinagulat ang blangko nitong mukha. 

Immune na ata ako.

"'Nak. I'm sorry for disturbing your sleep but Mr. Tuazon invited---"

Nang mapagtanto ang sasabihin ni Mom sa akin ay agad ko na itong pinutol habang wala pa ring emosyon na makikita sa aking mukha. 

"Adira already invited me. I don't think I can come, though," Flat ang boses na sabi ko dito at agad na iniwas ang tingin sa mga ito at ibinaling sa baba. 

They started to look at me but I don't like to meet their gazes, scared that I will cry like earlier that I don't really wanna show them. Last na 'yung pag iyak ko kagabi, masyadong mahal ang aking luha para makita nila. 

Wild Heart (Eastwood University Series #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon