Chapter 40

7 0 0
                                    

Jairah's Pov.

"Klaw?! Bakit may ganito? Gusto ka nyang mapangasawa. Ginagamit nya ang katayuan nya para mapilitan kang magpakasal." Saad ko pero mahinahon parin sya sa kabila ng mga sinabi ko.

Itinabi nya Ang sulat na natanggap nya mula sa babae kanina at hinarap nya ako.

"Wala kang dapat ipag-alala. Ikaw ang girlfriend ko. Nasa iyo kung wala kang tiwala sakin. Dahil ako, may tiwala ako sayo na ako lang Ang mahal mo.."

"May tiwala naman ako sayo, Klaw. Ang kaso lang, nawawalan ka na ng oras sakin.. "

"Busy lang ako. Lalo na at abala si Krause Kay Mama sa pag-aalaga dito. Sana maintindihan mo ako.."

Napabuntong-hininga na lang ako.
Ramdam ko na unti-unting lumalayo sakin si Klaw. Idagdag mo pa ang babae kanina.

"Sorry Klaw. Natakot lang ako na baka mahulog Ang loob mo sa babaeng yon.  May tiwala naman ako sayo e."

Muli nanaman sya naging abala sa ginagawa nya. Parang Hindi nya narinig Ang sinabi ko. Kaya minabuti ko na lang na umalis nang hindi nagpapaalam.

Pauwi na ako sa Bahay namin ng maalala ko ang pakay ko kung bakit ako nakipagkita Kay Klaw.
Ipapaalam ko sana sa kanya na nakita ko na si Killean kaso dahil sa busy sya at mukhang wala naman syang pakialam, nakalimutan ko na itong ipaalam.
.
.
.
Kinabukasan,

Hindi ako pumasok sa school. Wala din naman si Klaw doon dahil busy yon sa kompanya ni Krause.

Pinatawag ko ang tauhan namin para tanungin kung matagumpay ba nyang nahanap Ang tinitirhan ni Killian. Napangiti ako dahil magandang balita Ang natanggap ko.

Hindi na ako nagdalawang isip pa. Pinuntahan ko ito kasama Ang tauhan ko. Bigla akong nairita sa ingay ng lugar. Madaming tao at napaka gulo.
Nakayanan ni Killian na tumira sa ganitong lugar?

Nakarating kami sa Bahay na inuupahan ni Killian. Wala doon siya doon. Malamang nasa trabaho ito ngayon. Tanging Ang may-ari ng Bahay Ang humarap samin.
Nalaman ko mula sa kanya na dito talaga nangungupahan si Killian.

Pilit Kong hinihingi Ang duplicate ng susi ng room nito pero mailap Ang may-ari at ayaw ito ibigay.
Kaya binigyan ko sya ng malaking pera para pumayag sya na ibigay sakin Ang susi.  Sa loob ko na hihintayin si Killian para di na sya makatakas pa sa mga pag-uusapan namin.
.
.
.
.........................................

Killian's Pov

Sobrang busy sa restaurant na pinagtatrabauhan ko. Sobrang daming customer at tadtad sa order.
Malakas Ang araw na ito at malaking bagay para sa boss namin  Ang kumita ng malaki ngayon araw.

May dumating na apat na kalalakihan at naupo sa table. Ako Ang nautusan ng boss namin na kumuha ng order ng mga ito. Lumapit ako at binati sila pero diko inaasahan na makikilala nila ako.

"Ikaw ba yan Killian? Dito ka na ba nangtatrabaho?" Saad ng isa. Isa sa mga classmate ko sa school.

"Hindi mo ba kami natatandaan? Mga classmate mo kami sa isang sikat na school."Saad naman ng pangalawa

"Ito ba Ang binagsakan mo nang malaman mong ampon ka?" Pang-aasar ng pangatlo.

"O baka naman dito ka pinatapon dahil sa ginawa mo sa tunay na anak ng nag-ampon sayo? Hahah--" sa inis ko, hinablot ko ang damit nya dahilan para pagtinginan kami ng ibang customer.

"HINDI TOTOO YAN!!" sigaw ko dahil sa galit.

Hindi ko kasalanan Ang lahat.
Hindi ko kasalanan na maging ganito Ang buhay ko..

Napansin ng boss namin Ang kaguluhan sa table namin.

"Anong problema, Killian?" Tanong nito.

Binitawan ko Ang damit ng classmate ko at tumahik.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Devil Kissed Me 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon